Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 30:15-20

15 Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan;

16 Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito (A)na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

17 Nguni't kung ang (B)iyong puso ay lumiko, at hindi mo didinggin, kundi maliligaw ka at sasamba ka sa ibang mga Dios, at maglilingkod ka sa kanila;

18 Ay aking pinatutunayan sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol; (C)hindi ninyo palalaunin ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na inyong ipinagtatawid ng Jordan, upang pumasok na ariin.

19 Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

20 Na iyong ibigin ang Panginoon mong Dios, na sundin ang kaniyang tinig, at (D)lumakip sa kaniya: sapagka't siya ang iyong (E)buhay, at ang kalaunan ng iyong mga araw; upang matahanan mo ang lupain na (F)isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.

Error: 'Ecclesiastico 15:15-20' not found for the version: Ang Biblia (1978)
Mga Awit 119:1-8

Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.

ALEPH.

119 Mapalad silang (A)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
(B)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
(C)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

1 Corinto 3:1-9

At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa (A)espiritu, kundi tulad sa mga nasa (B)laman, tulad sa (C)mga sanggol kay Cristo.

Kinandili ko kayo ng (D)gatas, at hindi ng lamang-kati; (E)sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;

Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at (F)mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?

Sapagka't kung sinasabi ng isa, (G)Ako'y kay Pablo; at ng iba, (H)Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?

Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? (I)Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa (J)ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon (K)sa kaniya.

Ako ang (L)nagtanim, (M)si Apolos ang nagdilig; (N)nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.

Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.

Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang (O)bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.

Sapagka't (P)tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, (Q)ang gusali ng Dios.

Mateo 5:21-37

21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, (A)Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:

22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang (B)bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa (C)Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

23 Kaya't (D)kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,

24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.

25 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.

26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.

27 Narinig ninyong sinabi, (E)Huwag kang mangangalunya:

28 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

29 At (F)kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay (G)dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.

30 (H)At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.

31 Sinabi rin naman, Ang (I)sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:

32 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na (J)ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.

33 Bukod sa rito'y inyong narinig na sinabi (K)sa mga tao sa una, (L)Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa:

34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (M)Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;

35 Kahit ang lupa, sapagka't (N)siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't (O)siyang bayan ng dakilang Hari.

36 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.

37 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978