Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.
ALEPH.
119 Mapalad silang (A)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
2 Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
3 (B)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
4 Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
5 Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
6 (C)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
7 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
8 Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
Si Isaac sa Gerar.
26 At nagkagutom sa lupain, bukod sa (A)unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay (B)Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.
2 At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; (C)matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:
3 (D)Matira ka sa lupaing ito, (E)at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay (F)ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, (G)at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;
4 At aking (H)pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: (I)at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;
5 (J)Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.
12 (A)Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap (B)ng putong ng buhay, (C)na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.
13 Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:
14 Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila (D)ng sariling masamang pita at nahihikayat.
15 Kung magkagayo'y ang kahalayan, (E)kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay (F)namumunga ng kamatayan.
16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978