Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
UNANG AKLAT
Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (A)upuan ng mga (B)manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (C)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya'y magiging (D)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (E)giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; Kundi (F)parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya't ang masama ay hindi (G)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka't nalalaman ng (H)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, (B)at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.
11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, (C)upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
13 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.
14 At (D)ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin (E)kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.
15 Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.
16 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na (F)nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;
17 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang (G)tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang (H)masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
18 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at (I)aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (J)upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;
19 Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.
13 (A)Magsipagingat kayo, (B)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (C)kayo'y mangagpakalalake, (D)kayo'y mangagpakalakas.
14 (E)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (F)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (G)pangunahing bunga ng (H)Acaya, at nangagsitalaga (I)sa paglilingkod sa mga banal),
16 Na (J)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (K)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.
19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni (L)Aquila at ni Prisca[a] (M)pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. (N)Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.
21 Ang bati ko, ni (O)Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.
22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, (P)ay maging takuwil siya. (Q)Maranatha[b]
23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
24 Ang aking pagibig kay (R)Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978