Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Salmo, Awit sa araw ng sabbath.
92 Isang mabuting bagay (A)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
2 Upang (B)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
3 (C)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
4 Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
12 (A)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (B)cedro sa Libano.
13 (C)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (D)aking malaking bato, (E)at walang kalikuan sa kaniya.
Iba't ibang kawikaan. Pinagparisparis ang matuwid at masama.
15 Ang (A)malubay na sagot ay nakapapawi ng poot:
Nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.
2 Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan.
3 (B)Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako,
Na nagbabantay sa masama at sa mabuti.
4 (C)Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay:
Nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.
5 Hinahamak (D)ng mangmang ang saway ng kaniyang ama:
Nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.
6 Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan:
Nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan.
7 Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon.
8 (E)Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
9 Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't iniibig niya (F)ang sumusunod sa katuwiran.
13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (A)na walang pagasa.
14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (B)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.
15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (C)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
16 Sapagka't (D)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (E)arkanghel, at may (F)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (G)unang mangabubuhay na maguli;
17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (H)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (I)sasa Panginoon tayo magpakailan man.
18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978