Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 92:1-4

Salmo, Awit sa araw ng sabbath.

92 Isang mabuting bagay (A)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang (B)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
(C)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.

Mga Awit 92:12-15

12 (A)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (B)cedro sa Libano.
13 (C)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (D)aking malaking bato, (E)at walang kalikuan sa kaniya.

Isaias 30:8-17

Ngayo'y yumaon ka, (A)isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.

Sapagka't (B)mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon:

10 Na nagsasabi sa mga (C)tagakita, (D)Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, (E)magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:

11 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.

12 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan:

13 Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y (F)gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali.

14 At yao'y (G)kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon.

15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, (H)Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; (I)sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. (J)At hindi ninyo inibig.

16 Kundi inyong sinabi, Hindi, (K)sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi.

17 Isang libo (L)ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at (M)gaya ng isang watawat sa isang burol.

Juan 16:1-4

16 (A)Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa inyo, (B)upang kayo'y huwag mangatisod.

Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: (C)oo, dumarating ang oras, (D)na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios.

At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man.

Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa inyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978