Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
10 Sapagka't (A)kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng (B)binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain;
11 Magiging gayon ang aking salita (C)na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.
12 Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay (D)magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat (E)na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.
13 Kahalili ng (F)tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging (G)pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam.
Salmo, Awit sa araw ng sabbath.
92 Isang mabuting bagay (A)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
2 Upang (B)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
3 (C)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
4 Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
12 (A)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (B)cedro sa Libano.
13 (C)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (D)aking malaking bato, (E)at walang kalikuan sa kaniya.
51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi (A)tayong lahat ay mangatutulog, (B)nguni't tayong lahat ay babaguhin,
52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, (C)sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at (D)itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
54 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, (E)Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
55 Saan naroon, (F)Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at (G)ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:
57 Datapuwa't salamat sa Dios, (H)na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
58 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa (I)gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo (J)na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.
39 At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: (A)Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?
40 (B)Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.
41 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
42 O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.
43 Sapagka't walang mabuting punong kahoy (C)na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.
44 Sapagka't (D)bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.
45 Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan (E)sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: (F)sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.
46 At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, (G)Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?
47 Ang bawa't lumalapit sa akin, (H)at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad:
48 Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti.
49 Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, (I)na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978