Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 92:1-4

Salmo, Awit sa araw ng sabbath.

92 Isang mabuting bagay (A)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang (B)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
(C)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.

Mga Awit 92:12-15

12 (A)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (B)cedro sa Libano.
13 (C)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (D)aking malaking bato, (E)at walang kalikuan sa kaniya.

Mga Kawikaan 13:1-12

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

13 Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama:
(A)Nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.
Ang tao ay kakain ng mabuti ayon (B)sa bunga ng kaniyang bibig:
Nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan,
(C)Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay:
Nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman:
Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.
Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling:
Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.
Bumabantay (D)ang katuwiran sa matuwid na lakad;
Nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
(E)May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman:
(F)May nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan.
Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan:
Nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta.
Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak:
(G)Nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin.
10 Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang:
Nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.
11 Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay (H)huhupa:
Nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.
12 Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso:
(I)Nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.

Roma 5:12-6:2

12 Kaya, (A)kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y (B)sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:—

13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't (C)hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.

14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, (D)na siyang anyo niyaong darating.

15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.

16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.

17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating (E)sa lahat ng mga tao sa (F)ikaaaring-ganap ng buhay.

19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.

20 At bukod sa rito ay pumasok (G)ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay (H)nanaganang lubha ang biyaya:

21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman (I)ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa (J)ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.

Ano nga ang ating sasabihin? (K)Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang (L)ang biyaya ay makapanagana?

Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, (M)paano nga tayong mabubuhay pa riyan?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978