Revised Common Lectionary (Complementary)
Nakipagkasundo si Judas na Ipagkanulo si Jesus
22 Nalalapit na ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paglagpas.
2 Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay humahanap ng paraan kung papaano nila maipapatay si Jesus sapagkat natatakot sila sa mga tao. 3 Pumasok si Satanas kay Judas, na tinaguriang taga-Keriot, na kabilang sa labindalawang alagad. 4 Umalis siya at nakipag-usap sa mga pinunong-saserdote at sa mga opisyales ng mga tanod sa templo kung papaano niya maipagkakanulo si Jesus sa kanila. 5 Nagalak sila at nagkasundong bigyan siya ng salapi. 6 Nangako siya at naghanap ngpagkakataong maipagkanulo si Jesus sa kanila na malayo sa mga tao.
Ang Huling Hapunan
7 Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kinakailangan na sa araw na iyon ay kakatay ng batang tupa ng Paglagpas.
8 Sinugo ni Jesus si Pedro at si Juan at kaniyang sinabi: Umalis kayo at maghanda kayo ng hapunan ng Paglagpas upang tayo ay makakain.
9 Ngunit sinabi nila sa kaniya: Saan mo kami nais maghanda?
10 Sinabi niya sa kanila: Narito, sa pagkapasok ninyo sa lungsod, masasalubong ninyo ang isang lalaking may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kaniyang papasukan. 11 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay: Ipinasasabi sa iyo ng guro: Saan ang silid na pampanauhin na doon ay makakakain ako ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mgaalagad? 12 Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas namay mga kagamitan. Doon kayo maghanda.
13 Umalis sila at kanilang nasumpungan ang lahat tulad ng sinabi sa kanila. Naghanda sila ng hapunan ng Paglagpas.
Copyright © 1998 by Bibles International