Font Size
Revised Common Lectionary (Complementary) / Psalm 39 (My hope is in God); Numbers 13:17-27 (The fruit of the promised land); Luke 13:18-21 (Parables of the mustard seed yeast) (Ang Salita ng Diyos)
Revised Common Lectionary (Complementary)
Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Lucas 13:18-21
Ang Talinghaga Patungkol sa Binhi ng Mustasa at sa Pampaalsa
18 Pagkatapos, sinabi niya: Sa ano ko maitutulad ang paghahari ng Diyos? Saan ko ito ihahambing?
19 Ito ay tulad sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihagis sa kaniyang halamanan. Ito ay tumubo at naging isang malaking punong-kahoy. Ang mga ibon sa himpapawid ay nagpugad sa mga sanga nito.
20 Sinabi niyang muli: Saan ko maihahambing ang paghahari ng Diyos? 21 Ito ay tulad sa pampaalsa na kinuha ng isang babae. Inihalo niya ito sa tatlong takal na harina hanggang sa mahaluan ang lahat.
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International