Revised Common Lectionary (Complementary)
25 Ngunit naisip kong kailangang suguin ko sa inyo si Epafrodito na aking kapatid, kamanggagawa at kapwa kawal, ngunit sugo at lingkod ninyo na tumitingin sa aking mga pangangailangan. 26 Ito ay sapagkat siya ay sabik na sabik sa inyong lahat at labis na namamanglaw dahil sa nabalitaan ninyong siya ay nagkasakit. 27 Ito ay sapagkat totoo ngang siya ay nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos at hindi lamang siya kundi ako rin naman upang huwag akong magkaroon ng sunod-sunod na kalungkutan. 28 Kaya nga, lalo kong pinagsikapang suguin siya sa inyo upang pagkakita ninyong muli sa kaniya, kayo ay magalak at mabawasan naman ang aking kalungkutan. 29 Kaya nga, tanggapin ninyo siya ng buong kagalakan sa Panginoon at parangalan ninyo ang mga katulad niya. 30 Ito ay sapagkat nabingit siya sa kamatayan alang-alang sa gawain ni Cristo, na hindi pinahalagahan ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan ng inyong paglilingkod sa akin.
Walang Pagtitiwala sa Gawa ng Tao
3 Mga kapatid ko, sa katapus-tapusan, magalak kayo sa Panginoon. Ang sumulat sa inyo ng gayunding mga bagay ay totoong hindi mabigat sa akin yamang ito ay upang mailayo kayo sa panganib.
Copyright © 1998 by Bibles International