Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 95:1-7

95 O halikayo, tayo'y umawit sa Panginoon;
    tayo'y sumigaw na may kagalakan sa malaking bato ng ating kaligtasan!
Lumapit tayo sa kanyang harapan na may pagpapasalamat;
    tayo'y sumigaw na may kagalakan sa kanya ng mga awit ng pagpupuri!
Sapagkat ang Panginoon ay dakilang Diyos,
    at dakilang Hari sa lahat ng mga diyos.
Nasa kanyang kamay ang mga kalaliman ng lupa,
    ang mga kataasan ng mga bundok ay kanya rin.
Ang dagat ay kanya, sapagkat ito'y kanyang ginawa,
    ang kanyang mga kamay ang lumikha ng tuyong lupa.

O parito kayo, tayo'y sumamba at yumukod;
    tayo'y lumuhod sa harapan ng Panginoon, ang ating Manlilikha!
Sapagkat(A)(B) siya'y ating Diyos,
    at tayo'y bayan ng kanyang pastulan,
    at mga tupa ng kanyang kamay.

Ngayon kung inyong papakinggan ang kanyang tinig,

Isaias 44:21-28

Ang Tagapagligtas ng Israel

21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, O Jacob,
    at Israel, sapagkat ikaw ay aking lingkod;
aking inanyuan ka, ikaw ay aking lingkod;
    O Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22 Aking pinawi na parang ulap ang mga pagsuway mo,
    at ang iyong mga kasalanan na gaya ng ambon,
manumbalik ka sa akin sapagkat ikaw ay tinubos ko.

23 Umawit ka, O langit, sapagkat ginawa iyon ng Panginoon;
    kayo'y sumigaw, O mga mababang bahagi ng lupa;
kayo'y biglang mag-awitan, O mga bundok,
    O gubat, at bawat punungkahoy doon!
Sapagkat tinubos ng Panginoon ang Jacob,
    at luluwalhatiin ang kaniyang sarili sa Israel.

24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ang iyong Manunubos,
    at nag-anyo sa iyo mula sa sinapupunan:
“Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay;
    na mag-isang nagladlad ng mga langit,
    na naglatag ng lupa—sinong kasama ko?
25 na(A) bumibigo sa mga tanda ng mga sinungaling,
    at ginagawang hangal ang mga manghuhula;
na nagpapaurong sa mga pantas,
    at ginagawang kahangalan ang kanilang kaalaman;
26 na nagpapatunay sa salita ng kanyang lingkod,
    at nagsasagawa ng payo ng kanyang mga sugo;
na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, ‘Siya'y paninirahan;’
    at tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Matatayo sila,
    at aking ibabangon ang kanilang pagkaguho.’
27 Na nagsasabi sa kalaliman, ‘Ikaw ay matuyo,
    aking tutuyuin ang iyong mga ilog;’
28 na(B) nagsasabi tungkol kay Ciro, ‘Siya'y aking pastol,
    at kanyang tutuparin ang lahat ng aking kaligayahan’;
na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, ‘Siya'y matatayo,’
    at sa templo, ‘Ang iyong pundasyon ay ilalagay.’”

Mateo 12:46-50

Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus(A)

46 Samantalang nagsasalita pa si Jesus[a] sa maraming tao, ang kanyang ina at mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas at ibig nilang makausap siya.

47 [May nagsabi sa kanya, “Narito, ang iyong ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, at ibig ka nilang makausap.”][b]

48 Ngunit sumagot siya at sinabi sa nagsabi sa kanya, “Sino ang aking ina at sinu-sino ang aking mga kapatid?”

49 Itinuro niya ang kamay niya sa kanyang mga alagad, at sinabi, “Narito ang aking ina at ang aking mga kapatid!

50 Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking mga kapatid na lalaki at babae, at ina.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001