Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 90:1-8

IKAAPAT NA AKLAT

Panalangin ni Moises, ang tao ng Diyos.

90 Panginoon, ikaw ay naging aming tahanang dako
    sa lahat ng salinlahi.
Bago nilikha ang mga bundok,
    o bago mo nilikha ang lupa at ang sanlibutan,
    ikaw ay Diyos, mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan.

Iyong ibinabalik ang tao sa alabok,
    at iyong sinasabi, “Bumalik kayo, kayong mga anak ng mga tao!”
Sapagkat(A) ang isang libong taon sa iyong paningin,
    ay parang kahapon lamang kapag ito'y nakalipas,
    o gaya ng isang gabing pagbabantay.

Iyong dinadala sila na parang baha, sila'y nakatulog,
    kinaumagahan ay parang damo na tumutubo;
sa umaga ito'y nananariwa at lumalago,
    sa hapon ito'y nalalanta at natutuyo.

Sapagkat ang iyong galit ang sa amin ay tumupok,
    at sa pamamagitan ng iyong galit kami ay nabagabag.
Inilagay mo ang aming kasamaan sa iyong harapan,
    sa liwanag ng iyong mukha ang lihim naming kasalanan.

Mga Awit 90:9-11

Sapagkat sa ilalim ng iyong poot, lahat ng aming araw ay lumilipas,
    na gaya ng buntong-hininga, ang aming mga taon ay nagwawakas.
10 Ang mga taon ng aming buhay ay pitumpung taon,
    o kung malakas kami ay walumpung taon,
ngunit ang mga ito ay hirap at kaguluhan lamang,
    ang mga ito'y madaling lumipas, at kami ay nawawala.

11 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng galit mo,
    at ng iyong galit ayon sa pagkatakot na marapat sa iyo?

Mga Awit 90:12

12 Kaya't turuan mo kami na bilangin ang aming mga araw,
    upang kami ay magkaroon ng pusong may karunungan.

Ezekiel 7:1-9

Dumating na ang Wakas

Bukod dito'y, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi:

“O anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa lupain ng Israel: Wakas na! Ang wakas ay dumating na sa apat na sulok ng lupain.

Ngayon ang wakas ay sumasaiyo, at aking pararatingin ang aking galit sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad; at dadalhin ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam.

Hindi ka patatawarin ng aking mata, o kahahabagan man kita, kundi aking parurusahan ka dahil sa iyong mga ginagawa, habang ang iyong mga kasuklamsuklam ay nasa iyong kalagitnaan. At iyong malalaman na ako ang Panginoon.

“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kapahamakan, tanging kapahamakan: Narito, ito'y dumarating.

Ang wakas ay dumating na, ang wakas ay dumating na; ito'y gumigising laban sa iyo. Narito, ito'y dumarating.

Ang iyong kapahamakan ay dumating na sa iyo, O naninirahan sa lupain. Ang panahon ay dumating na, ang araw ay malapit na, araw ng pagkakagulo, at hindi ng kagalakang may sigawan sa ibabaw ng mga bundok.

Malapit ko na ngayong ibuhos sa iyo ang aking poot, at aking uubusin ang aking galit laban sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad, at dadalhin ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam.

Ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako. Parurusahan kita ayon sa iyong mga lakad; samantalang ang iyong mga kasuklamsuklam ay nasa kalagitnaan mo. At inyong malalaman na ako ang Panginoon na nananakit.

Apocalipsis 16:8-21

At ibinuhos ng ikaapat ang kanyang mangkok sa araw at pinahintulutan itong pasuin ng apoy ang mga tao.

At napaso ang mga tao sa matinding init, ngunit kanilang nilait ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nagsisi upang siya'y luwalhatiin.

10 Ibinuhos(A) naman ng ikalima ang kanyang mangkok sa trono ng halimaw, at nagdilim ang kanyang kaharian. Kinagat ng mga tao ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

11 at nilait nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nagsisi sa kanilang mga gawa.

12 Ibinuhos(B) ng ikaanim ang kanyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates at natuyo ang tubig nito, upang ihanda ang daraanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

13 At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon at mula sa bibig ng halimaw at mula sa bibig ng bulaang propeta ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka.

14 Sila'y mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda; pumupunta sa mga hari ng buong daigdig, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

15 (“Masdan(C) ninyo, ako'y dumarating na gaya ng magnanakaw. Mapalad ang nananatiling gising at nakadamit,[a] upang siya'y hindi lumakad na hubad at makita ang kanyang kahihiyan.”)

16 At(D) sila'y tinipon nila sa lugar na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.

17 Ibinuhos ng ikapitong anghel ang kanyang mangkok sa himpapawid at lumabas sa templo ang isang malakas na tinig, mula sa trono na nagsasabi, “Naganap na!”

18 At(E) nagkaroon ng mga kidlat, mga tinig, mga kulog, at malakas na lindol, na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng tao sa lupa, isang napakalakas na lindol.

19 Ang(F) dakilang lunsod ay nahati sa tatlo, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak. Naalala ng Diyos ang dakilang Babilonia at binigyan niya ito ng kopa ng alak ng kabagsikan ng kanyang poot.

20 At(G) tumakas ang bawat pulo at walang mga bundok na matagpuan.

21 At(H) bumagsak sa mga tao ang ulan ng malalaking yelo na ang bigat ay halos isandaang libra[b] buhat sa langit, at nilait ng mga tao ang Diyos dahil sa salot na ulan ng yelo, sapagkat ang salot na ito ay lubhang nakakatakot.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001