Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 50

Ang Tunay na Pagsamba

Awit ni Asaf.

50 Ang Makapangyarihan, ang Diyos na Panginoon,
    ay nagsalita at tinatawag ang lupa
    mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyon.
Mula sa Zion na kasakdalan ng kagandahan,
    nagliliwanag ang Diyos.

Ang aming Diyos ay dumarating at hindi siya tatahimik;
    nasa harapan niya ang apoy na tumutupok,
    at malakas na bagyo sa kanyang palibot.
Siya'y tumatawag sa langit sa kaitaasan,
    at sa lupa upang hatulan niya ang kanyang bayan:
“Tipunin mo sa akin ang aking mga banal,
    yaong nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng alay!”
Ang langit ay nagpapahayag ng kanyang katuwiran;
    sapagkat ang Diyos ay siyang hukom! (Selah)

“Makinig, O aking bayan, at magsasalita ako,
    O Israel, ako'y magpapatotoo laban sa iyo.
    Ako'y Diyos, Diyos mo.
Hindi kita sinasaway dahil sa iyong mga handog;
    laging nasa harapan ko ang iyong mga handog na sinusunog.
Hindi ako tatanggap ng baka mula sa iyong bahay,
    ni ng kambing na lalaki sa iyong mga kawan.
10 Sapagkat bawat hayop sa gubat ay akin,
    ang hayop sa libong mga burol.
11 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok;
    at ang lahat ng mga gumagala sa parang ay akin.

12 “Kung ako'y gutom, sa iyo ay hindi ko sasabihin,
    sapagkat ang sanlibutan at ang lahat ng narito ay akin.
13 Kumakain ba ako ng laman ng mga toro,
    o umiinom ng dugo ng mga kambing?
14 Mag-alay sa Diyos ng pasasalamat na alay,
    at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataas-taasan;
15 at tumawag ka sa akin sa araw ng kabagabagan;
    ililigtas kita, at luluwalhatiin mo ako.”

16 Ngunit sa masama ay sinabi ng Diyos:
    “Anong karapatan mo upang ipahayag ang aking mga tuntunin,
    o ilagay ang aking tipan sa iyong bibig?
17 Sapagkat ang disiplina ay kinapopootan mo,
    at iyong iwinawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.
18 Kapag nakakakita ka ng magnanakaw, ikaw ay natutuwa sa kanya,
    at sumasama ka sa mga mangangalunya.

19 “Ibinibigay mo sa iyong bibig ang malayang paghahari ng kasamaan,
    at ang iyong dila ay kumakatha ng pandaraya.
20 Ikaw ay umuupo at nagsasalita laban sa iyong kapatid;
    iyong sinisiraan ang anak ng iyong sariling ina.
21 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y nanahimik;
    iniisip mong ako'y gaya mo.
Ngunit ngayo'y sinasaway kita, at ipinapataw ang paratang sa harapan mo.

22 “Kayong nakakalimot sa Diyos, tandaan ninyo ito,
    baka kayo'y aking pagluray-lurayin at walang magligtas sa inyo!
23 Ang naghahandog ng alay ng pasasalamat ay nagpaparangal sa akin;
    sa kanya na nag-aayos ng kanyang lakad
    ang pagliligtas ng Diyos ay ipapakita ko rin!”

Nehemias 13:1-3

Paghiwalay sa mga Taga-ibang Bansa

13 Nang(A) araw na iyon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pandinig ng taong-bayan; at doo'y natagpuang nakasulat na walang Ammonita o Moabita na dapat pumasok sa kapulungan ng Diyos magpakailanman;

sapagkat(B) hindi nila pinasalubungan ang mga anak ni Israel ng tinapay at tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila—gayunma'y ginawang pagpapala ng aming Diyos ang sumpa.

Nang marinig ng taong-bayan ang kautusan, inihiwalay nila sa Israel ang lahat ng nagmula sa ibang mga bansa.

Nehemias 13:23-31

23 Nang(A) mga araw ding iyon ay nakita ko ang mga Judio na nag-asawa ng mga babaing taga-Asdod, Ammon, at Moab;

24 at kalahati sa kanilang mga anak ay nagsasalita ng wikang Asdod, at hindi sila makapagsalita sa wika ng Juda, kundi ayon sa wika ng bawat bayan.

25 At ako'y nakipagtalo sa kanila, sinumpa ko sila, sinaktan ko ang iba sa kanila, sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pangalan ng Diyos, na sinasabi, “Huwag ninyong ibibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki, ni kukunin man ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, o para sa inyong mga sarili.

26 Hindi(B) ba't nagkasala si Solomon na hari ng Israel dahil sa ganyang mga babae? Sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya, at siya'y minahal ng kanyang Diyos, at ginawa siya ng Diyos na hari sa buong Israel, gayunma'y ibinunsod siya sa pagkakasala ng mga babaing banyaga.

27 Makikinig ba kami sa inyo at gagawin ang lahat ng ganitong malaking kasamaan at magtataksil laban sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa sa mga babaing banyaga?”

28 At(C) isa sa mga anak ni Jehoiada, na anak ni Eliasib na pinakapunong pari, ay manugang ni Sanballat na Horonita; kaya't pinalayas ko siya sa aking harapan.

29 Alalahanin mo sila, O Diyos ko, sapagkat kanilang dinumihan ang pagkapari, ang tipan ng pagkapari at ang mga Levita.

30 Sa gayo'y nilinis ko sila sa lahat ng mga bagay na banyaga, at itinatag ko ang mga katungkulan ng mga pari at ng mga Levita, bawat isa'y sa kanyang gawain;

31 at naglaan ako para sa kaloob na panggatong, sa mga takdang panahon, at para sa mga unang bunga. Alalahanin mo ako, O Diyos ko, sa ikabubuti.

1 Corinto 5:9-13

Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid,

10 hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid ng sanlibutang ito, o sa mga masasakim at mga magnanakaw, o sa mga sumasamba sa diyus-diyosan, sa gayo'y kailangan pa kayong lumabas sa sanlibutan.

11 Kundi ngayon ay sinusulatan ko kayo na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o sakim, o sumasamba sa diyus-diyosan, o nagmumura, o maglalasing, o magnanakaw—ni huwag man lamang kayong kumaing kasalo ng ganyang uri ng tao.

12 Sapagkat anong kinalaman ko sa paghatol sa nasa labas? Hindi ba yaong mga nasa loob ang inyong hahatulan?

13 Subalit(A) ang Diyos ang humahatol sa mga nasa labas. “Alisin ninyo ang masamang tao sa gitna ninyo.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001