Revised Common Lectionary (Complementary)
32 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan.
2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya.
3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw.
4 Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7 Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
8 Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9 Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama: nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.
28 At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari, Lahat ay mabuti. At siya'y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari, at nagsabi, Purihin ang Panginoon mong Dios, na nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari.
29 At sinabi ng hari, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot si Ahimaas. Nang suguin ni Joab, ang lingkod ng hari, sa makatuwid baga'y ako na iyong lingkod, ako'y nakakita ng isang malaking pagkakagulo, nguni't hindi ko nalalaman kung ano.
30 At sinabi ng hari, Pumihit ka, at tumayo ka rito. At siya'y pumihit at tumayo.
31 At, narito, ang Cusita ay dumating; at sinabi ng Cusita, Balita sa aking panginoon na hari: sapagka't iginanti ka ng Panginoon sa araw na ito doon sa lahat na nagsibangon laban sa iyo.
32 At sinabi ng hari sa Cusita, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot ang Cusita, Ang mga kaaway ng aking panginoon na hari, at yaong lahat na nagsibangon laban sa iyo upang gawan ka ng masama ay maging gaya nawa ng binatang yaon.
33 At ang hari ay nagulumihanan, at sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan, at umiyak: at habang siya'y yumayaon, ganito ang sinasabi niya, Oh anak kong Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Mano nawa'y ako ang namatay na kahalili mo, Oh Absalom, anak ko, anak ko!
19 At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom.
2 At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagka't narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon. Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak.
3 At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon, na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka.
4 At tinakpan ng hari ang kaniyang mukha, at ang hari ay sumigaw ng malakas. Oh anak kong Absalom, Oh Absalom, anak ko, anak ko!
5 At pumasok si Joab sa bahay, sa hari, at nagsabi, Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae, at ng mga buhay ng iyong mga asawa, at ng mga buhay ng iyong mga babae;
6 Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagka't iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagka't aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo.
7 Ngayon nga'y bumangon ka, ikaw ay lumabas, at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod: sapagka't aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon, na kung ikaw ay hindi lalabas, ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito: at yao'y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon.
8 Nang magkagayo'y tumindig ang hari, at naupo sa pintuang-bayan. At kanilang isinaysay sa buong bayan, na sinasabi, Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan: at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari. Nakatakas nga ang Israel bawa't isa sa kaniyang tolda.
17 At nangyari nang isa sa mga araw na yaon, na siya'y nagtuturo; at may nangakaupo doong mga Fariseo at mga guro sa kautusan, na nagsipanggaling sa bawa't nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem: at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling.
18 At narito, dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo: at pinagpipilitan niyang maipasok siya, at ilagay siya sa harap nila.
19 At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila sa bubungan ng bahay, at siya'y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.
20 At pagkakita sa kanilang pananampalataya, ay kaniyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan.
21 At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang?
22 Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso?
23 Alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka at lumakad ka?
24 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.
25 At pagdaka'y nagtindig siya sa harap nila, at binuhat ang kaniyang hinigan, at napasa kaniyang bahay, na niluluwalhati ang Dios.
26 At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios; at nangapuspos sila ng takot, na nangagsasabi, Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka.
Public Domain