Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Samuel 3-5

Ang sangbahayan ni David.

Nagkaroon nga ng matagal na pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David: at si David ay lumakas ng lumakas, nguni't ang sangbahayan ni Saul ay humina ng humina.

At (A)nagkaanak si David sa Hebron: at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay (B)Ahinoam na taga Jezreel;

At ang kaniyang pangalawa ay si Chileab, kay Abigail na asawa ni Nabal na taga Carmelo; at ang ikatlo ay si Absalom na anak ni Maacha na anak ni Talmai na hari sa (C)Gessur;

At ang ikaapat ay si (D)Adonias na anak ni Haggith; at ang ikalima ay si Saphatias na anak ni Abital;

At ang ikaanim ay si Jetream kay Egla, na asawa ni David. Ang mga ito'y ipinanganak kay David sa Hebron.

At nangyari, samantalang may pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David, na si Abner ay nagpakalakas sa sangbahayan ni Saul.

Si Saul nga ay may babae na ang pangalan ay (E)Rispa, na anak ni Aja: at sinabi ni Is-boseth kay Abner, Bakit ka (F)sumiping sa babae ng aking ama?

Nang magkagayo'y nagalit na mainam si Abner dahil sa mga salita ni Is-boseth, at sinabi, (G)Ako ba'y isang ulo ng aso na nauukol sa Juda? Sa araw na ito ay nagpapakita ako ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Saul na iyong ama, sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniyang mga kaibigan, at hindi ka ibinigay sa kamay ni David, at gayon ma'y iyong ibinibintang sa araw na ito sa akin ang isang kasalanan tungkol sa babaing ito.

(H)Hatulan ng Dios si Abner, at lalo na, malibang gawin kong gayon sa kaniya, na (I)gaya ng isinumpa ng Panginoon kay David;

10 Na ilipat ang kaharian mula sa sangbahayan ni Saul, at itatag ang luklukan ni David sa Israel, at sa Juda (J)mula sa Dan hanggang sa Beer-seba.

11 At hindi siya nakasagot kay Abner ng isang salita, sapagka't siya'y natakot sa kaniya.

Naghimagsik si Abner.

12 At si Abner ay nagsugo ng mga sugo kay David, sa ganang kaniya, na sinasabi naman, Makipagtipan ka sa akin, at, narito, ang aking kamay ay sasa iyo, upang dalhin sa iyo ang buong Israel.

13 At kaniyang sinabi, Mabuti; ako'y makikipagtipan sa iyo; nguni't isang bagay ang hinihiling ko sa iyo, na ito nga: huwag mong titingnan ang aking mukha, maliban na iyo munang dalhin (K)si Michal na anak na babae ni Saul, pagparito mo upang tingnan ang aking mukha.

14 At nagsugo ng mga sugo si David kay Is-boseth na anak ni Saul, na sinasabi, Isauli mo sa akin ang aking asawa na si Michal, na siyang aking pinakasalan (L)sa halaga na isang daang balat ng masama ng mga Filisteo.

15 At nagsugo si Is-boseth, at kinuha siya sa kaniyang asawa, kay (M)Paltiel na anak ni Lais.

16 At ang kaniyang asawa'y yumaong kasama niya na umiyak habang siya'y yumayaon, at sumusunod sa kaniya hanggang sa (N)Bahurim. Nang magkagayo'y sinabi ni Abner sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka: at siya'y bumalik.

17 At nakipag-usap si Abner sa mga matanda sa Israel, na sinasabi, Sa panahong nakaraan ay inyong hinanap si David upang maging hari sa inyo:

18 Ngayon nga ay inyong gawin: sapagka't sinalita ng Panginoon tungkol kay David, na sinasabi, Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ay aking ililigtas ang aking bayang Israel sa kamay ng mga Filisteo at sa kamay ng lahat nilang mga kaaway.

19 At nagsalita naman si Abner sa pakinig ng (O)Benjamin: at si Abner naman ay naparoong nagsalita sa pakinig ni David sa Hebron ng lahat na inaakalang mabuti ng Israel, at ng buong sangbahayan ni Benjamin.

20 Sa gayo'y naparoon si Abner kay David sa Hebron, at dalawang pung lalake ang kasama niya. At ginawan ni David ng isang kasayahan si Abner at ang mga lalake na kasama niya.

21 At sinabi ni Abner kay David, Ako'y babangon at yayaon, at aking pipisanin ang buong Israel sa aking panginoon na hari, (P)upang sila'y makipagtipan sa iyo, at upang iyong pagharian ng buong ninanasa ng iyong kaluluwa. At pinayaon ni David si Abner; at siya'y yumaong payapa.

Si Abner ay pinaghinalaan ni Joab at pinatay.

22 At, narito, ang mga lingkod ni David at si Joab ay nagsidating na mula sa isang paghabol, at may dalang malaking samsam: nguni't si Abner ay wala kay David sa Hebron, sapagka't pinayaon niya siya, at siya'y yumaong payapa.

23 Nang si Joab at ang buong hukbo na kasama niya ay magsidating, kanilang isinaysay kay Joab, na sinasabi, Si Abner na anak ni Ner ay naparoon sa hari, at siya'y pinayaon at siya'y yumaong payapa.

24 Nang magkagayo'y naparoon si Joab sa hari, at nagsabi, Ano ang iyong ginawa? narito, si Abner ay naparito sa iyo; bakit mo pinayaon siya, at siya'y lubos na yumaon?

25 Nalalaman mo si Abner na anak ni Ner ay naparito upang dayain ka at upang maalaman ang (Q)iyong paglabas at ang iyong pagpasok, at upang maalaman ang lahat na iyong ginagawa.

26 At nang lumabas si Joab na mula kay David, siya'y nagsugo ng mga sugo na sumunod kay Abner, at kanilang ibinalik siya na mula sa balon ng Sira: nguni't hindi nalalaman ni David.

27 At nang bumalik si Abner sa Hebron, ay dinala siya ni Joab na bukod sa gitna ng pintuang-bayan upang makipagsalitaan sa kaniya ng lihim, at sinaktan niya siya roon sa tiyan, na anopa't siya'y namatay, dahil sa dugo ni (R)Asael na kaniyang kapatid.

28 At pagkatapos nang mabalitaan ni David, ay kaniyang sinabi, Ako at ang aking kaharian ay walang sala sa harap ng Panginoon magpakailan man sa dugo ni Abner na anak ni Ner:

29 (S)Bumagsak sa ulo ni Joab, at sa buong sangbahayan ng kaniyang ama; at huwag na di magkaroon sa sangbahayan ni Joab (T)ng isang inaagasan, o ng isang (U)may ketong, o ng umaagapay sa isang tungkod, o nabubuwal sa pamamagitan ng tabak, o ng kinukulang ng tinapay.

30 Sa gayo'y pinatay si Abner ni Joab at ni Abisai na kaniyang kapatid, sapagka't pinatay niya ang kanilang kapatid na si (V)Asael sa Gabaon, sa pagbabaka.

Nanangis si David dahil kay Abner.

31 At sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: (W)Hapakin ninyo ang inyong mga suot, at (X)magbigkis kayo ng magaspang na damit, at magluksa kayo sa harap ni Abner. At ang haring si David ay sumunod sa kabaong.

32 At kanilang inilibing si Abner sa Hebron: at inilakas ng hari ang kaniyang tinig, at umiyak sa libingan ni Abner; at ang buong bayan ay umiyak.

33 At (Y)tinangisan ng hari si Abner, at sinabi,

Marapat bang mamatay si Abner, na (Z)gaya ng pagkamatay ng isang mangmang?
34 Ang iyong mga kamay ay hindi nangatatalian, o ang iyong mga paa man ay nangagagapos:
Kung paanong nabubuwal ang isang lalake sa harap ng mga anak ng kasamaan ay gayon ka nabuwal.

At iniyakan siyang muli ng buong bayan.

35 At ang buong bayan ay naparoon upang (AA)pakanin ng tinapay si David samantalang araw pa; nguni't sumumpa si David, na sinasabi, Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ako'y tumikim ng tinapay o ng anomang bagay (AB)hanggang sa ang araw ay lumubog.

36 At nahalata ng buong bayan, at minagaling nila: palibhasa'y anomang ginagawa ng hari ay nakalulugod sa buong bayan.

37 Sa gayo'y naunawa ng buong bayan at ng buong Israel sa araw na yaon, na hindi sa hari ang pagpatay kay Abner na anak ni Ner.

38 At sinabi ng hari sa kaniyang mga bataan, Hindi ba ninyo nalalaman na may isang prinsipe at mahal na tao, na nabuwal sa araw na ito sa Israel?

39 At ako'y mahina sa araw na ito, bagaman pinahirang hari; at ang mga lalaking ito na mga anak ni (AC)Sarvia ay (AD)totoong mahirap kasamahin: (AE)gantihan nawa ng Panginoon ang manggagawang masama ayon sa kaniyang kasamaan.

Ang pilay na anak ni Jonathan. Pinatay si Is-boseth.

At nang mabalitaan ni Is-boseth, na anak ni Saul, na si Abner ay patay na sa Hebron, (AF)ang kaniyang mga kamay ay nanghina, at ang lahat na taga Israel ay nabagabag.

At si Is-boseth, na anak ni Saul, ay may dalawang lalake na mga punong kawal sa mga pulutong: ang pangalan ng isa ay Baana, at ang pangalan ng isa ay Rechab, na mga anak ni Rimmon na Beerothita sa mga anak ni Benjamin: ((AG)sapagka't ang Beeroth din naman ay ibinilang sa Benjamin:

At ang mga Beerothita ay nagsitakas sa (AH)Githaim, at nangakipamayan doon hanggang sa araw na ito.)

(AI)Si Jonathan nga na anak ni Saul, ay may isang anak na pilay sa kaniyang mga paa. Siya'y may limang taon nang dumating ang balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na mula sa Jezreel, at kinalong siya ng kaniyang yaya at tumakas: at nangyari, habang siya'y nagmamadali ng pagtakas, na siya'y nabagsak, at naging pilay. At ang kaniyang pangalan ay (AJ)Mephiboseth.

At ang mga anak ni Rimmon na Beerothita, na si Rechab at si Baana, ay nagsiyaon at nagsiparoon ng may kainitan ang araw sa bahay ni Is-boseth, na doon siya nagpahinga sa katanghalian tapat.

At sila'y nagsipasok doon sa gitna ng bahay, na parang sila'y kukuha ng trigo; at kanilang sinaktan siya sa (AK)tiyan; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan.

Sapagka't nang sila nga'y magsipasok sa bahay habang siya'y nahihiga sa kaniyang higaan sa kaniyang silid, kanilang sinaktan siya, at pinatay siya, at pinugutan siya ng ulo, at dinala ang kaniyang ulo at nagpatuloy (AL)ng lakad sa Araba buong gabi.

At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway (AM)na umuusig ng iyong buhay; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay Saul, at sa kaniyang binhi.

At sinagot ni David si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid, na mga anak ni Rimmon na Beerothita, at sinabi sa kanila, Buhay ang Panginoon (AN)na siyang tumubos ng aking kaluluwa sa buong kahirapan.

10 Nang saysayin sa akin (AO)ng isa, na sinasabi, Narito, si Saul ay namatay, na inakala niyang nagdala siya ng mabuting balita, ay aking hinawakan siya, at pinatay ko siya sa Siclag na siyang kagantihang ibinigay ko sa kaniya dahil sa kaniyang balita.

11 Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalake ang isang matuwid na tao sa kaniyang sariling bahay, sa kaniyang higaan, hindi ko ba (AP)sisiyasatin ngayon ang kaniyang dugo sa inyong kamay, at aalisin kayo sa lupa?

12 At iniutos ni David sa kaniyang mga bataan, at pinatay nila sila, at pinutol ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa, at mga ibinitin sa tabi ng tangke sa Hebron. Nguni't kanilang kinuha ang ulo ni Is-boseth, at inilibing sa (AQ)libingan ni Abner sa Hebron.

Si David ay hari sa Israel at Juda.

Nang magkagayo'y (AR)naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron, at nagsipagsalita, na nagsisipagsabi, Narito, (AS)kami ay iyong buto at iyong laman.

Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin, ikaw (AT)ang naglalabas at nagpapasok sa Israel: at sinabi ng Panginoon sa iyo: (AU)Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel: at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel.

Sa gayo'y (AV)nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa (AW)Hebron: (AX)at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron (AY)sa harap ng Panginoon: at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel.

Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon.

Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na (AZ)pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda.

Ang Sion ay kinuha.

At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa (BA)Jerusalem laban sa mga (BB)Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon.

Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan sa Sion; (BC)na siyang bayan ni David.

At sinabi ni David nang araw na yaon, Sino mang sumakit (BD)sa mga Jebuseo, ay pumaroon siya sa inaagusan ng tubig, at saktan ang pilay at ang bulag, na kinapopootan ng kaluluwa ni David. Kaya't kanilang sinasabi, Mayroong bulag at pilay; hindi siya makapapasok sa bahay.

At tumahan si David sa katibayan at tinawag na bayan ni David. At itinayo ni David ang kuta sa palibot mula sa (BE)Millo, at sa loob.

10 At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon na Dios ng mga hukbo, ay sumasa kaniya.

11 (BF)At si (BG)Hiram na hari sa Tiro ay nagpadala kay David ng mga sugo, at ng mga puno ng sedro, at mga anluwagi, at mangdadaras sa bato; at kanilang ipinagtayo si David ng isang bahay.

12 At nahalata ni David, na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel, at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel.

13 At (BH)kumuha (BI)pa si David ng mga babae at mga asawa sa Jerusalem, panggagaling niya sa Hebron: at may mga ipinanganak pa na lalake at babae kay David.

14 At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem; si Sammua, at si Sobab, at si Nathan, at si Salomon,

15 At si Ibhar, at si Elisua; at si Nephegh at si Japhia;

16 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet.

Nanagumpay laban sa Filisteo.

17 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel, ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David; at nabalitaan ni David, at (BJ)lumusong sa katibayan.

18 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa (BK)libis ng Rephaim.

19 (BL)At nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon kay David, Umahon ka: sapagka't tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay.

20 At naparoon si David sa Baal-perasim at sila'y sinaktan doon ni David; at kaniyang sinabi, Pinanambulat ng Panginoon ang aking mga kaaway sa harap ko, na gaya ng pilansik ng tubig. Kaya't kaniyang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na (BM)Baal-perasim.

21 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga larawan, at mga (BN)inalis ni David at ng kaniyang mga lalake.

22 At nagsiahon pa uli ang mga Filisteo, at nagsikalat sa libis ng Rephaim.

23 At nang isangguni ni David sa Panginoon, kaniyang sinabi, Huwag kang aahon: liligid ka sa likuran nila, at ikaw ay sasagupa sa kanila sa mga puno ng morales.

24 At mangyayari, pagka iyong (BO)narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay magmamadali: sapagka't (BP)lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.

25 At ginawang gayon ni David; gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; at sinaktan niya ang mga Filisteo mula sa (BQ)Geba hanggang sa dumating sa (BR)Gezer.

Lucas 14:25-35

25 Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa kanila'y sinabi,

26 Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling (A)ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at (B)pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko.

27 Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, (C)at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.

28 Sapagka't alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos?

29 Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya'y libakin,

30 Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin.

31 O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?

32 O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo.

33 Kaya nga sinoman sa inyo na (D)hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko.

34 Mabuti nga ang asin: (E)datapuwa't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat?

35 Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi: itinatapon sa labas. Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978