Old/New Testament
Nabalitaan ni David ang pagbabaka sa Gilboa.
1 At nangyari, pagkamatay ni Saul, nang magbalik si David na mula sa (A)pagpatay sa mga Amalecita, at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag;
2 Ay nangyari, sa ikatlong araw, na narito, ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na (B)hapak ang kaniyang suot, at (C)may lupa ang kaniyang ulo: at nagkagayon, na nang dumating siya kay David, ay nagpatirapa at nagbigay galang.
3 At sinabi ni David sa kaniya, Saan ka nanggaling? At kaniyang sinabi sa kaniya, Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako.
4 At sinabi ni David sa kaniya, Ano ang nangyari? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin. At siya'y sumagot: Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka, at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin.
5 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya: Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay?
6 At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay, Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa, narito, si (D)Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat; at, narito, hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo.
7 At nang siya'y lumingon, kaniyang nakita ako, at tinawag niya ako, at ako'y sumagot: Narito ako.
8 At sinabi niya sa akin, Sino ka? At ako'y sumagot sa kaniya, Ako'y isang Amalecita.
9 At kaniyang sinabi uli sa akin, Tumayo ka sa siping ko, isinasamo ko sa iyo, at patayin mo ako, dahil sa dinatnan ako ng panglulumo; sapagka't ang aking buhay ay lubos ko pang taglay.
10 Sa gayo'y tumayo ako sa siping niya, at aking pinatay siya, sapagka't talastas ko na siya'y hindi mabubuhay pagkatapos na siya'y nabuwal: at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo, at ang pulsera na nasa kaniyang kamay, at aking dinala rito sa aking panginoon.
11 Nang magkagayo'y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya:
12 At sila'y tumangis, at umiyak, at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw, dahil kay Saul, at dahil kay Jonathan na kaniyang anak, at dahil sa bayan ng Panginoon, at dahil sa sangbahayan ng Israel; sapagka't sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.
13 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya, Taga saan ka? At siya'y sumagot: Ako'y anak ng isang taga ibang lupa, na Amalecita.
14 At sinabi ni David sa kaniya, Bakit hindi ka (E)natakot na (F)iunat mo ang iyong kamay na patayin ang (G)pinahiran ng langis ng Panginoon?
15 At tinawag ni David ang isa sa mga bataan, at sinabi, Lumapit ka, at daluhungin mo siya. At kaniyang sinaktan siya, na anopa't namatay.
16 At sinabi ni David sa kaniya, (H)Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo; sapagka't ang (I)iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo, na nagsasabi, Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon.
Ang panaghoy ni David kay Saul at kay Jonathan.
17 At (J)tinaghuyan ni David ng ganitong panaghoy si Saul at si Jonathan na kaniyang anak:
18 (At kaniyang ipinaturo sa mga anak ni Juda ang awit sa pamamana (K)narito, nasusulat sa aklat ni Jaser):
19 Ang iyong kaluwalhatian, Oh Israel, ay napatay sa iyong matataas na dako!
Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan!
20 (L)Huwag ninyong saysayin sa Gath,
Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon;
(M)Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak,
Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay.
21 Kayong mga bundok ng Gilboa,
Huwag magkaroon ng hamog, o ulan man sa inyo, kahit mga bukid na mga handog:
Sapagka't diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay.
Ang kalasag ni Saul, na parang isa, na hindi (N)pinahiran ng langis.
22 Sa dugo ng pinatay, sa taba ng makapangyarihan,
Ang (O)busog ni Jonathan ay hindi umurong,
At ang tabak ni Saul ay hindi nagbalik na walang dala.
23 Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan.
At sa kanilang kamatayan sila'y hindi naghiwalay;
(P)Sila'y lalong maliliksi kay sa mga agila,
(Q)Sila'y lalong malalakas kay sa mga leon.
24 Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul,
Na siyang sa inyo'y maselang na nagbihis ng escarlata,
Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan.
25 Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan sa gitna ng pagbabaka!
Oh Jonathan, napatay ka sa iyong matataas na dako.
26 Ako'y namanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan:
Naging totoong kalugodlugod ka sa akin;
Ang iyong pag-ibig sa akin ay (R)kagilagilalas,
Na humihigit sa pagsinta ng mga babae.
27 Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan,
At nangalipol ang mga sandata na pandigma!
Si David ay ginawang hari sa Juda.
2 At nangyari, pagkatapos nito, na nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka. At sinabi ni David, Saan ako aahon? At kaniyang sinabi, Sa Hebron.
2 Sa gayo'y umahon si David doon, at pati ng kaniyang (S)dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal, na taga Carmelo.
3 (T)At ang kaniyang mga lalake na kasama niya ay iniahon ni David bawa't lalake na kasama ang kanikaniyang sangbahayan: at sila'y nagsitahan sa mga bayan ng Hebron.
4 At (U)nagsiparoon ang mga lalake ng Juda, at kanilang pinahiran ng langis doon si David upang maging hari sa sangbahayan ng Juda. At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, (V)Ang mga lalake sa Jabes-galaad ay siyang naglibing kay Saul.
5 At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad, at sinabi sa kanila, (W)Pagpalain nawa kayo ng Panginoon, na kayo'y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon, sa makatuwid baga'y kay Saul, at inyong inilibing siya.
6 (X)At ngayon nawa'y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan: at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob, sapagka't inyong ginawa ang bagay na ito.
7 Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila.
Si Is-boseth ay hari sa Israel.
8 (Y)Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul, si (Z)Is-boseth na anak ni Saul, at inilipat sa Mahanaim;
9 At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad, at sa mga Asureo, at sa Jezreel, at sa Ephraim, at sa Benjamin, at sa buong Israel.
10 Si Is-boseth na anak ni Saul ay may apat na pung taon nang siya'y magpasimulang maghari sa Israel, at siya'y naghari na dalawang taon. Nguni't ang sangbahayan ni Juda ay sumunod kay David.
11 At ang panahon na ipinaghari ni David sa Hebron sa sangbahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan.
Si Abner ay tinalo ni Joab; hinagad ni Asael.
12 At si Abner na anak ni Ner, at ang mga lingkod ni Is-boseth na anak ni Saul, ay nangapasa (AA)Gabaon mula sa Mahanaim.
13 At si Joab na anak ni Sarvia, at ang mga lingkod ni David ay nagsilabas, at sinalubong sila sa siping ng tangke sa (AB)Gabaon; at sila'y naupo, na ang isa'y sa isang dako ng tangke, at ang isa'y sa kabilang dako ng tangke.
14 At sinabi ni Abner kay Joab, Isinasamo ko sa iyo na bumangon ang mga bataan at magsanay ng tabak sa harap natin. At sinabi ni Joab, Bumangon sila.
15 Nang magkagayo'y bumangon sila at tumawid ayon sa bilang; labing dalawa sa Benjamin, at sa ganang kay Is-boseth na anak ni Saul, at labing dalawa sa mga lingkod ni David.
16 At hinawakan sa ulo ng bawa't isa sa kanila ang kaniyang kaaway, at isinaksak ang kaniyang tabak sa tagiliran ng kaniyang kaaway; sa gayo'y nangabuwal sila na magkakasama: kaya't ang dakong yaon ay tinatawag na Helcath-assurim na nasa Gabaon.
17 At ang pagbabaka ay lumalalang mainam nang araw na yaon; at si Abner ay nadaig, at ang mga lalake ng Israel sa harap ng mga lingkod ni David.
18 At nandoon ang (AC)tatlong anak ni Sarvia, si Joab, at si Abisai, at si Asael: at si Asael ay (AD)magaan ang paa na gaya ng mailap na usa.
19 At hinabol ni Asael si Abner; at sa pagyaon, siya'y hindi lumihis sa kanan o sa kaliwa man sa pagsunod kay Abner.
20 Nang magkagayo'y nilingon ni Abner, at sinabi, Ikaw ba'y si Asael? At siya'y sumagot: Ako nga.
21 At sinabi ni Abner sa kaniya, Lumihis ka sa iyong kanan o sa iyong kaliwa, at iyong tangnan ang isa sa mga bataan, at kunin mo ang (AE)kaniyang sakbat. Nguni't ayaw ni Asael na humiwalay sa pagsunod sa kaniya.
22 At sinabi uli ni Abner kay Asael, Lumihis ka sa pagsunod sa akin: bakit nga kita ibubulagta sa lupa? paanong aking maitataas nga ang aking mukha kay Joab na iyong kapatid?
23 Gayon ma'y tumanggi siyang lumihis: kaya't sinaktan siya ni Abner (AF)sa tiyan ng dulo ng sibat, na anopa't ang sibat ay lumabas sa likod niya; at siya'y nabuwal doon at namatay sa dako ring yaon: at nangyari, na lahat na naparoon sa dakong kinabuwalan ni Asael at kinamatayan, ay nangapatigil.
24 Nguni't hinabol ni Joab at ni Abisai si Abner: at ang araw ay nakalubog na nang sila'y dumating sa burol ng Amma, na nasa harap ng Gia sa siping ng daan sa ilang ng Gabaon.
25 At ang mga anak ng Benjamin ay nagpipisan sa likuran ni Abner, at nagisang pulutong, at nagsitayo sa taluktok ng isang burol.
26 Nang magkagayo'y tinawag ni Abner si Joab, at nagsabi, Mananakmal ba ang tabak magpakailan man? hindi mo ba nalalaman na magkakaroon ng kapaitan sa katapusan? hanggang kailan mo nga pababalikin ang bayan na mula sa pagsunod sa kanilang mga kapatid?
27 At sinabi ni Joab, (AG)Buhay ang Dios, kung hindi mo sana sinalita ay tunay nga na umalis disin ang bayan sa kinaumagahan, o sinundan man ng sinoman ang bawa't isa sa kaniyang kapatid.
28 Sa gayo'y hinipan ni Joab ang pakakak, at ang buong bayan ay tumigil, at hindi na hinabol ang Israel, o sila man ay lumaban pa.
29 At si Abner at ang kaniyang mga lalake ay nagdaan buong gabi sa Araba; at sila'y nagsitawid ng Jordan, at nagsidaan sa buong Bitron, at nagsidating sa (AH)Mahanaim.
30 At bumalik si Joab na humiwalay ng paghabol kay Abner: at nang kaniyang mapisan ang buong bayan, nagkulang sa mga lingkod ni David ay labing siyam na lalake at si Asael.
31 Nguni't sinaktan ng mga lingkod ni David ang Benjamin, at ang mga lalake ni Abner, na anopa't nangamatay ay tatlong daan at anim na pung lalake.
32 At kanilang iniahon si Asael, at inilibing nila siya sa libingan ng kaniyang ama, na nasa Beth-lehem. At si Joab at ang kaniyang mga lalake ay nagsiyaon buong gabi, at dumating sila sa Hebron sa kinaumagahan.
14 At nangyari, sa pagpasok niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo nang isang sabbath (A)upang kumain ng tinapay, at (B)inaabangan nila siya.
2 At narito, sa kaniyang harapan ay may isang lalaking namamaga.
3 At pagsagot ni Jesus, ay nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo, na sinasabi, (C)Matuwid baga o hindi na magpagaling sa sabbath?
4 Datapuwa't sila'y di nagsiimik. At siya'y tinangnan niya, at siya'y pinagaling, at siya'y pinayaon.
5 At sinabi niya sa kanila, (D)Sino kaya sa inyo ang kung magkaroon ng isang asno o isang bakang lalake na mahulog sa hukay, at pagdaka'y hindi kukunin kahit araw ng sabbath?
6 At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito.
7 At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan, nang mamasdan niya na kanilang pinipili ang mga (E)pangulong luklukan; na nagsasabi sa kanila,
8 Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan, huwag kang uupo sa pangulong luklukan; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo,
9 At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya, at sabihin sa iyo, Bigyan mong puwang ang taong ito; at kung magkagayo'y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan.
10 Kundi (F)pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya, Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang.
11 Sapagka't ang bawa't (G)nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas.
12 At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya, Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan, ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, ni ang iyong mga kapatid, ni ang iyong mga kamaganak, ni ang mayayamang kapitbahay; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan, at gantihan ka.
13 Datapuwa't kung maghahanda ka, ay anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pingkaw, ang mga pilay, ang mga bulag,
14 At magiging mapalad ka; sapagka't wala silang sukat ikaganti sa iyo: sapagka't (H)gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli (I)ng mga ganap.
15 At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay sinabi sa kaniya, (J)Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios.
16 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, May isang naghanda ng isang malaking hapunan; (K)at marami siyang inanyayahan:
17 At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin, upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na.
18 At silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan. Sa kaniya'y sinabi ng una, Bumili ako ng isang bukid, at kailangan akong umalis at tingnan; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.
19 At sinabi ng iba, Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake, at paroroon ako upang sila'y subukin; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.
20 At sinabi ng iba, Bago akong kasal, at kaya nga hindi ako makaparoroon.
21 At dumating ang alipin, at isinaysay ang mga bagay na ito sa kaniyang panginoon. Nang magkagayon, sa galit ng puno ng sangbahayan ay sinabi sa kaniyang alipin, Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga daang makikipot ng bayan, at dalhin mo rito ang mga dukha, at ang mga pingkaw, at ang mga bulag, at ang mga pilay.
22 At sinabi ng alipin, Panginoon, nagawa na ang ipinagutos mo, at gayon ma'y maluwag pa.
23 At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay.
24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo na alin man sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978