Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Corinto 7:1-19

Ang Pag-aasawa

Patungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin, mabuti para sa isang lalaki na hindi niya hahawakan ang isang babae.

Gayunman, upang maiwasan ang pakikiapid, makapag-asawa nawa ang bawat lalaki at gayundin nawa ang bawat babae. Dapat gampanan ng lalaki ang tungkulin niya sa kaniyang asawa at gayundin ang babae sa kaniyang asawa. Ang asawang babae ay walang kapamahalaan sa sarili niyang katawan kundi ang lalaki. Gayundin ang lalaki, wala siyang kapamahalaan sa sarili niyang katawan kundi ang babae. Huwag magkait ang sinuman sa isa’t isa maliban na lang kung napagkasunduan sa ilang panahon. Ito ay upang maiukol ninyo ang inyong sarili sa pag-aayuno at pananalangin. Pagkatapos noon ay magsamang muli upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil. Ito ay sinasabi ko bilang pagpapahintulot at hindi bilang pag-uutos. Ibig ko sana na ang lahat ng lalaki ay maging tulad ko, ngunit ang bawat isa ay may kani-kaniyang kaloob mula sa Diyos. Ang isa ay may kaloob sa ganitong bagay at ang isa ay may kaloob sa ganoong bagay.

Sa mga walang asawa at sa mga balo ay sinasabi ko: Mabuti para sa kanila ang manatili sa kalagayang tulad ko. Ngunit kung hindi sila makapagpigil, hayaan silang mag-asawa sapagkat higit na mabuti ang mag-asawa kaysa mag-alab sa matinding pagnanasa.

10 Sa mga may asawa ay iniuutos ko: Huwag humiwalay ang asawang babae sa kaniyang asawa. Hindi ako ang nag-uutos nito kundi ang Panginoon. 11 Kung siya ay humiwalay, huwag siyang mag-aasawa o kaya ay makipagkasundo siya sa kaniyang asawang lalaki. Huwag palayasin ng asawang lalaki ang kaniyang asawa.

12 Nangungusap ako sa iba, hindi ang Panginoon kundi ako: Kung ang sinumang kapatid na lalaki ay may asawang hindi sumasampalataya, huwag palayasin ng lalaki ang asawang babae. Ito ay kung sumasang-ayonang babae na manahang kasama ng lalaki. 13 Ang babae na may asawang hindi sumasampalataya ay huwag humiwalay sa asawang lalaki. Ito ay kung sumasang-ayon siyang manahang kasama ng babae. 14 Ito ay sapagkat ang asawang lalaki na hindi sumasam­palataya ay pinababanal sa pamamagitan ng asawang babae. Ang asawang babae na hindi sumasampalataya ay pinababanal ng asawanglalaki. Kung hindi gayon, ang inyong mga anak ay marurumi, ngunit ngayon sila ay mga banal.

15 Kung ang hindi sumasampalataya ay humiwalay, hayaan siyang humiwalay. Ang kapatid na lalaki o kapatid na babae ay hindi na sa ilalim ng pagpapaalipin sa ganoong kalalagayan. Ngunit tayo ay tinawag ng Diyos na mamuhay sa kapayapaan. 16 Alam mo ba, ikaw na babae, na baka ikaw ang makadala sa iyong asawa patungo sa kaligtasan? Alam mo ba, ikaw na lalaki, na baka ikaw ang makadala sa iyong asawa patungo sa kaligtasan?

17 Ngunit kung ano nga ang itinakda ng Diyos sa bawat tao, mamuhay nawa siya ng ganoon. Kung paano tinawag ng Pangi­noon ang bawat isa, gayundin ang tagubilin ko sa mga iglesiya. 18 Mayroon bang tinatawag sa pagiging nasa pagtutuli? Huwag siyang maging hindi tuli. Mayroon bang tinatawag sa hindi pagiging nasa pagtutuli? Huwag siyang gawing tuli. 19 Ang pagtutuli ay walang halaga, ang hindi pagtutuli ay walang halaga. Ang mahalaga ay ang pagsunod sa utos ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International