Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 15:1-13

15 Tayong malalakas ay dapat magbata ng mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi upang bigyan ng kaluguran ang ating mga sarili. Ito ay sapagkat ang bawat isa sa atinay dapat magbigay-lugod sa ikatitibay ng kaniyang kapwa. Sapagkat maging si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kani­yang sarili. Subalit ayon sa nasusulat:

Ang pag-aalipusta nila na umaalipusta sa iyo ay napunta sa akin.

Ito ay sapagkat ang anumang bagay na isinulat noong una pa ay isinulat para sa ikatututo natin upang magkaroon tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtitiis at pagpapalakas-loob na mula sa kasulatan.

Ang Diyos ang nagbigay sa inyo ng pagtitiis at pagpapalakas-loob upang magkaroon kayo ng iisang kaisipan sa isa’t isa ayon kay Cristo Jesus. Gagawin niya ito upang sa nagkakaisang kaisipan at nagkakaisang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

Kaya nga, upang maluwalhati ang Diyos, tanggapin ninyo ang bawat isa ayon sa paraan ng pagtanggap sa atin ni Cristo. Ngunit sinasabi: SiJesucristo ay naging tagapaglingkod ng mga nasa pagtutuli para sa katotohanan ng Diyos, upang tiyakin ang mga pangako ng Diyos na ibinigay niya sa mga ninuno. At upang ang mga Gentil ay lumuwalhati sa Diyos dahil sa kaniyang kahabagan. Ayon sa nasusulat:

Dahil dito ihahayag kita sa mga Gentil at ako ay aawit ng papuri sa iyong pangalan.

10 Muli ay sinabi ng kautusan:

Kayong mga Gentil, magalak kayong kasama ng kaniyang mga tao.

11 At muli:

Kayong lahat ng mga Gentil, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat ng mga tao, purihin ninyo siya.

12 Muli ay sinabi ni Isaias:

Magkakaroon ng ugat ni Jesse. Siya ang titindig upang maghari sa mga Gentil. Sa kaniya aasa ang mga Gentil.

13 Sa inyong pagsampalataya, mapupuno kayo ng kagalakan at kapayapaan. Gagawin ito sa inyo ng Diyos ng pag-asa upang sumagana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International