Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 11:19-36

19 Sasabihin mo: Ang mga sanga ay pinutol upang ako ay maihugpong. 20 Gayon nga iyon. Dahil hindi sila sumampalataya, inihiwalay sila ng Diyos ngunit ikaw ay nakatayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka. 21 Ito ay sapagkat maging ang mga likas na sanga ay hindi pinaligtas ng Diyos, maaaring hindi ka niya paliligtasin.

22 Kaya nga, narito, ang kabutihan at kahigpitan ng Diyos. Ang kahigpitan niya ay sa kanila na nahulog. Kung ikaw ay magpapatuloy sa kaniyang kabutihan, ang kabutihan niya ay mapapasaiyo. Kung hindi, ikaw din ay puputulin. 23 Gayundin sila, kung hindi sila magpapatuloy sa hindi pagsampalataya, ihuhugpong sila ng Diyos sapagkat magagawa ng Diyos na sila ay ihugpong muli. 24 Ito ay sapagkat pinutol ka ng Diyos mula sa olibong ligaw, at laban sa kalikasan, ay ihinugpong sa mabuting puno ng Olibo. Gaano pa kaya sa tunay na mga sanga na maihugpong sa kanilang sariling punong Olibo.

Ililigtas ng Diyos ang Buong Israel

25 Mga kapatid, ito ay sapagkat hindi ko nais na kayo ay maging walang kaalaman patungkol sa hiwagang ito. Sa kabilang dako, baka isipin ninyong kayo ay matatalino. Ang hiwaga ay: Hanggang sa maabot ang kabuuang bilang ng mga Gentil, bahagyang pinatigas ng Diyos ang puso ng mga taga-Israel.

26 Kaya nga, ililigtas ng Diyos ang buong Israel ayon sa nasusulat:

Ang tagapagligtas ay magmumula sa Zion. Ibabaling niyang palayo kay Jacob ang hindi pagkilala sa Diyos.

27 Kapag inalis ko ang kanilang mga kasalanan, ito ang aking pakiki­pagtipan sa kanila.

28 Patungkol sa ebanghelyo, dahil sa inyo, sila ay mga kaaway. Ngunit patungkol sa katotohanang pinili sila ng Diyos nang una pa, dahil sa mga ninuno, mahal sila ng Diyos. 29 Ito ay sapagkat ang mga kaloob at pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago. 30 Sinuway ninyo ang Diyos noong nakaraang panahon. Sa ngayon ang Diyos ay nagpakita ng habag sa inyo sa pamamagitanng kanilang pagsuway. 31 Sa gayunding paraan, sila ngayon ay naging masuwayin upang kayo ay kahabagan. Ito ay upang magpapakita rin siya ng habag sa kanila sa pamamagitan ninyo. 32 Upang maipakita ng Diyos ang kaniyang habag sa lahat, ibinilanggo niya sila dahil sa pagsuway.

Pagpupuri

33 Kay lalim ng kayamanan ng katalinuhan at karu­nungan ng Diyos. Walang makakasaliksik ng kaniyang mga kahatulan. Walang makakasunod sa kaniyang landas.

34 Ito ay sapagkat sino ang nakakaalam ng isipan ng Panginoon? Sino ang nagbigay sa kaniya ng payo? 35 Sino ang nagbigay sa kaniya at iyon ay pababayaran sa kaniya? 36 Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bagay ay mula sa kaniya. Ang mga bagay ay sa pamamagitan niya at para sa kaniya. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International