Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Juan 12:27-50

27 Ngayon ay nababalisa ang aking kaluluwa. Ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako mula sa oras na ito. Subalit ito ang dahilan kung bakit ako narito sa oras na ito. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.

Nang magkagayon, may narinig silang tinig mula sa langit na nagsasabi: Niluwalhati ko na ito at muli kong luluwal­hatiin.

29 Ang mga tao ngang nakatayo roon at nakarinig nito ay nagsabi: Kumulog! Ang iba naman ay nagsabi: Siya ay kinausap ng isang anghel.

30 Tumugon si Jesus at nagsabi: Ang tinig na ito ay hindi ipinarinig nang dahil sa akin kundi dahil sa inyo. 31 Ngayon na ang paghatol sasanlibutang ito. Ngayon ang prinsipe ng sanlibutan ito ay palalayasin. 32 Ako, kapag ako ay maitaasna mula sa lupa, ay ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin. 33 Sinabi ito ni Jesus bilang kapahayagan kung papaano siya mamamatay.

34 Ang mga tao ay tumugon sa kaniya: Narinig namin mula sa kautusan na ang Mesiyas ay mananatili magpakailanman. Papaano mo nasabi: Ang Anak ng Tao ay kinakailangang maitaas? Sino ba itong Anak ng Tao?

35 Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kanila: Sandaling panahon na lamang na makakasama ninyo ang liwanag. Lumakad kayo habang may liwanag pasa inyo upang hindi kayo abutan ng dilim. Hindi nalalaman ng lumalakad sa kadiliman kung saan siya napupunta. 36 Habang may liwanag pa sa inyo, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging mga tao ng liwanag. Pagkasabi ni Jesus ng mga bagay na ito ay umalis siya at nagtago mula sa kanila.

Ang mga Judio ay Nagpatuloy sa Kanilang Hindi Pagsampalataya

37 Bagamat gumawa si Jesus ng maraming tanda sa harapan nila, hindi pa rin sila sumampalataya sa kaniya.

38 Ito ay upang matupad ang salita ni propeta Isaias na kaniyang sinabi:

Panginoon, sino ang naniwala sa aming pangaral? Kanino ipinahayag ang bisig ng Panginoon?

39 Dahil dito, hindi sila makapaniwala dahil sinabing muli ni Isaias:

40 Binulag niya ang kanilang mga mata at pinatigas ang kanilang puso. Ito ay upang hindi sila makakita sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ni makaunawa sa pamamagitan ng kani­lang puso, at manumbalik. Kung hindi gayon sila ay pagagalingin ko.

41 Ang bagay na ito ay sinabi ni Isaias nang makita niya ang kaluwalhatian ng Panginoon at nagsalita patungkol sa kaniya.

42 Gayunman, marami sa mga mataas na pinuno ang sumampalataya kay Jesus. Ngunit dahil sa mga Fariseo hindi nila siya ipinahayag baka sila palayasin sa sinagoga. 43 Ito ay sapagkat higit nilang inibig ang papuring mula sa mga tao kaysa ang papuri ng Diyos.

44 Si Jesus ay sumigaw at nagsabi: Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. 45 Ang nakakita sa akin ay nakakita sa kaniya na nagsugo sa akin. 46 Ako ay narito bilang liwanag sa sanlibutan upang ang lahat ng sumasampalataya sa akin ay hindi manatili sa kadiliman.

47 Kung ang sinuman ay nakikinig ng aking mga salita at hindi sumasampalataya, hindi ko siya hinahatulan. Ito ay sapagkat hindi ako narito upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ang sangkatauhan. 48 May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw. 49 Ito ay sapagkat hindi ako nagsasalita mula sa sarili ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nag-utos kung ano ang dapat kong sabihin at bigkasin. 50 Alam ko, na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan. Ito nga ang sinasabi ko. Kung papaanong sinasabi sa akin ng Ama, sa gayunding paraan nagsasalita ako.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International