Read the New Testament in 24 Weeks
1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa (B)pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,
2 (C)Kay Timoteo na (D)aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
3 Nagpapasalamat ako sa Dios, na (E)mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing (F)malinis, (G)na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw
4 Na kinasasabikan kong makita kita, (H)na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;
5 Na inaalaala ko (I)ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay (J)Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.
6 Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo (K)na paningasin mo ang kaloob ng Dios, (L)na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.
7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; (M)kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng (N)kahusayan.
8 (O)Huwag mo ngang ikahiya (P)ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: (Q)kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;
9 Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay (R)tumawag ng isang banal na (S)pagtawag, (T)hindi ayon sa ating mga gawa, kundi (U)ayon sa kaniyang sariling akala at (V)biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus (W)buhat pa ng mga panahong walang hanggan.
10 Nguni't (X)ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, (Y)na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,
11 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na (Z)tagapangaral, at apostol at guro.
12 Dahil dito'y nagtiis (AA)din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y (AB)hindi ako nahihiya; (AC)sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya (AD)hanggang sa araw na yaon.
13 Ingatan mo (AE)ang mga ulirang mga salitang (AF)magagaling (AG)na narinig mo sa akin, (AH)sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.
14 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo (AI)na nananahan sa atin.
15 Ito'y nalalaman mo, na (AJ)nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes.
16 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan (AK)ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang (AL)aking tanikala;
17 Kundi, nang siya'y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako'y nasumpungan niya.
18 (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon (AM)sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.
2 Ikaw nga, (AN)anak ko, (AO)magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
2 At (AP)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (AQ)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
3 (AR)Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na (AS)gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
5 At kung ang sinoman ay (AT)makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi (AU)pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
6 Ang magsasaka na nagpapagal (AV)ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
8 Alalahanin mo si Jesucristo na (AW)muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:
9 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan (AX)sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; (AY)nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.
10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay (AZ)dahil sa (BA)mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.
11 (BB)Tapat ang pasabi: (BC)Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
12 (BD)Kung tayo'y mangagtiis, ay (BE)mangaghahari naman tayong kasama niya: (BF)kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
13 Kung tayo'y hindi mga tapat, (BG)siya'y nananatiling tapat; sapagka't (BH)hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, (BI)na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
16 Datapuwa't (BJ)ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si (BK)Himeneo at si Fileto;
18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.
19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, (BL)Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay (BM)hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at (BN)lupa; (BO)at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.
21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at (BP)sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga (BQ)nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang (BR)walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.
24 At (BS)ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, (BT)sapat na makapagturo, matiisin,
25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi (BU)sa ikaaalam ng katotohanan,
26 At (BV)sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978