Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Tesalonica 4-5

Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, (A)na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, (B)na gaya ng inyong paglakad,—upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.

Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

Sapagka't ito (C)ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong (D)pagpapakabanal, (E)na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;

Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa (F)kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,

Hindi sa pita (G)ng kahalayan, na (H)gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;

Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya (I)sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.

Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi (J)sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.

Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, (K)na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Datapuwa't tungkol sa (L)pagiibigang kapatid ay (M)hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na (N)mangagibigan kayo sa isa't isa;

10 Sapagka't katotohanang (O)ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.

11 At pagaralan ninyong maging (P)matahimik, at (Q)gawin ang inyong sariling gawain, at (R)kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;

12 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat (S)sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.

13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (T)na walang pagasa.

14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (U)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (V)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka't (W)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (X)arkanghel, at may (Y)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (Z)unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (AA)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (AB)sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Datapuwa't tungkol sa (AC)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (AD)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.

Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (AE)ng kaarawan ng Panginoon ay (AF)gaya ng magnanakaw sa gabi.

Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (AG)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

Nguni't kayo, (AH)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:

Sapagka't kayong lahat (AI)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;

(AJ)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (AK)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.

Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (AL)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.

Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (AM)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

Sapagka't tayo'y (AN)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,

10 Na (AO)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.

11 Dahil dito (AP)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (AQ)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (AR)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;

13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (AS)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.

14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (AT)alalayan ang mga mahihina, (AU)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.

15 (AV)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.

16 (AW)Mangagalak kayong lagi;

17 Magsipanalangin kayong (AX)walang patid;

18 Sa lahat ng mga bagay ay (AY)magpasalamat kayo; sapagka't ito (AZ)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

19 Huwag ninyong patayin (BA)ang ningas ng Espiritu;

20 Huwag ninyong hamakin (BB)ang mga panghuhula;

21 Subukin ninyo ang (BC)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

22 Layuan ninyo ang (BD)bawa't anyo ng masama.

23 At pakabanalin (BE)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (BF)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (BG)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

24 (BH)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.

25 Mga kapatid, (BI)idalangin ninyo kami.

26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (BJ)banal na halik.

27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (BK)ang sulat na ito.

28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978