Read the New Testament in 24 Weeks
3 Tapat ang pasabi, (A)Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.
2 (B)Dapat nga na ang (C)obispo ay (D)walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, (E)mapagpatuloy, (F)sapat na makapagturo;
3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;
4 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, (G)na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong (H)kahusayan;
5 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa (I)iglesia ng Dios?)
6 Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa (J)kaparusahan ng diablo.
7 Bukod dito'y dapat din namang siya'y (K)magkaroon ng mabuting patotoo ng (L)nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan (M)at silo ng diablo.
8 Gayon din naman (N)ang mga diakono dapat ay (O)mahuhusay, hindi dalawang dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan;
9 Na iniingatan (P)ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi.
10 (Q)At ang mga ito rin naman ay subukin muna; kung magkagayo'y mamahalang may pagka diakono, kung walang kapintasan.
11 (R)Gayon din naman ang mga babae dapat ay mahuhusay, hindi palabintangin, mapagpigil, tapat sa lahat ng mga bagay.
12 Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae, na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan.
13 Sapagka't ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono, ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan, at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus.
14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;
15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (S)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
16 At walang pagtatalo, dakila (T)ang hiwaga ng kabanalan;
Yaong nahayag (U)sa laman,
(V)Pinapaging-banal sa espiritu,
(W)Nakita ng mga anghel,
Ipinangaral sa mga bansa,
(X)Sinampalatayanan sa sanglibutan,
(Y)Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.
4 Nguni't hayag na (Z)sinasabi ng Espiritu, na (AA)sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga (AB)espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, (AC)na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
3 (AD)Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na (AE)may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
4 Sapagka't ang (AF)bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:
5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
6 Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng (AG)mabuting aral na (AH)sinusunod mo hanggang ngayon:
7 Datapuwa't (AI)itakuwil mo ang mga (AJ)kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan:
8 Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, (AK)na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.
9 Tapat ang pasabi, (AL)at nararapat tanggapin ng lahat.
10 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't (AM)may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang (AN)Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.
11 Ang mga bagay na ito'y iyong iutos at ituro.
12 Huwag (AO)hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa (AP)pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, (AQ)sa kalinisan.
13 Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa (AR)pangangaral, sa (AS)pagtuturo.
14 Huwag mong pabayaan ang kaloob (AT)na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay (AU)sa pamamagitan ng hula, (AV)na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng (AW)mga presbitero.
15 Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat.
16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978