Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

New Testament in a Year

Read the New Testament from start to finish, from Matthew to Revelation.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Lucas 22:31-46

31 Simon, Simon, narito, hiningi ka ni (A)Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:

32 Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik (B)ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung (C)makapagbalik ka nang muli, ay (D)papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.

33 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at (E)sa kamatayan.

34 At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, (F)Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala.

35 At sinabi niya sa kanila, (G)Nang kayo'y suguin ko na walang (H)supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi.

36 At sinabi niya sa kanila, Nguni't ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak.

37 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, (I)At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may (J)katuparan.

38 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.

39 At siya'y lumabas, (K)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.

40 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya (L)sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.

41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,

42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.

43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.

44 At nang siya'y nanglulumo ay (M)nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.

45 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,

46 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon (N)kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978