New Testament in a Year
20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong (A)nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang (B)pagkawasak ay malapit na.
21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; (C)at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, (D)upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
23 Sa aba ng mga nagdadalang-tao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.
24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at (E)yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, (F)hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.
27 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.
29 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy:
30 Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw.
31 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.
32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
33 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
34 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at (G)dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:
35 Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.
36 (H)Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, (I)na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang (J)mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.
37 At araw-araw ay (K)nagtuturo siya sa templo; at lumalabas (L)gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo.
38 At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo, upang makinig sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978