M’Cheyne Bible Reading Plan
Itinayo ang tabernakulo.
40 At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi,
2 Sa unang araw ng (A)unang buwan ay iyong itatayo (B)ang tabernakulo ng kapisanan.
3 At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo, at iyong (C)tatabingan ang kaban ng lambong.
4 (D)At iyong ipapasok ang dulang, at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon.
5 (E)At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
6 At iyong (F)ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
7 At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana, at iyong sisidlan ng tubig.
8 At iyong ilalagay ang looban sa palibot, at ibibitin mo ang tabing sa pintuang-daan ng looban.
9 At kukuha ka ng langis na pangpahid, at (G)papahiran mo ang tabernakulo, at lahat na nandoon, at iyong pakakabanalin, at lahat ng kasangkapan niyaon: at magiging banal.
10 (H)At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng kasangkapan, at iyong pakakabanalin ang dambana: at ang dambana ay magiging kabanalbanalan.
11 At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan, at iyong pakakabanalin.
12 (I)At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong paliliguan ng tubig.
13 At iyong isusuot kay Aaron ang mga (J)banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
14 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan:
15 At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y (K)pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.
16 Gayon ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayong ginawa niya.
17 At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan, na (L)ang tabernakulo'y itinayo.
18 At itinayo ni Moises ang tabernakulo, at inilagay ang mga tungtungan, at ipinatong ang mga malaking tabla, at isinuot ang mga barakilan, at itinayo ang mga haligi niyaon.
19 At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
20 At kaniyang kinuha (M)at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban:
21 At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, (N)at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 (O)At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong hilagaan ng tabernakulo, sa labas ng lambong.
23 (P)At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
24 (Q)At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan, sa tapat ng dulang, sa tagilirang timugan ng tabernakulo.
25 At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
26 (R)At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong.
27 At siya'y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
28 (S)At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
29 (T)At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, (U)at pinaghandugan ng handog na susunugin, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 (V)At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo, ng kapisanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan.
31 At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa;
32 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila: (W)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
33 (X)At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuang-daan ng looban. Gayon tinapos ni Moises ang gawain.
Ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo.
34 (Y)Nang magkagayo'y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
35 At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
36 (Z)At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo, ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay:
37 (AA)Datapuwa't kung ang ulap ay hindi napaiitaas, ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas.
38 Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay.
19 Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas.
2 (A)At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at siya'y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube;
3 At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nangagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! at siya'y kanilang pinagsuntukanan.
4 At si Pilato ay lumabas na muli, at sa kanila'y sinabi, Narito, siya'y inilabas ko sa inyo, upang inyong matalastas na (B)wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.
5 Lumabas nga si Jesus, na may putong na tinik at balabal na kulay-ube. Sa kanila'y sinabi ni Pilato, Narito, ang tao!
6 Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila'y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus: sapagka't ako'y walang masumpungang kasalanan sa kaniya.
7 Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, (C)Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na Anak ng Dios.
8 Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito, (D)ay lalong sinidlan siya ng takot;
9 At siya'y muling pumasok sa Pretorio, at sinabi kay Jesus, Taga saan ka? (E)Nguni't hindi siya sinagot ni Jesus.
10 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Sa akin ay hindi ka nagsasalita? Hindi mo baga nalalaman na ako'y may kapangyarihang sa iyo'y magpawala, at may kapangyarihang sa iyo'y magpako sa krus?
11 Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito'y ibinigay (F)sa iyo mula sa itaas: kaya't (G)ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan.
12 Dahil dito'y pinagsisikapan ni Pilato na siya'y pawalan: nguni't ang mga Judio ay nagsisigawan, na nangagsasabi, Kung pawalan mo ang taong ito, ay hindi ka kaibigan ni Cesar: (H)ang bawa't isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar.
13 Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito, (I)ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento, datapuwa't sa Hebreo ay Gabbatha.
14 (J)Noon nga'y Paghahanda ng paskua: at noo'y (K)magiikaanim ng oras. At sinabi niya sa mga Judio, Narito, ang inyong Hari!
15 Sila nga'y nagsigawan, Alisin siya, alisin siya, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote, Wala kaming hari kundi si Cesar.
16 Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus.
17 (L)Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, (M)na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota:
18 Na doo'y ipinako nila siya sa krus, at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawa't tagiliran, at si Jesus sa gitna.
19 At sumulat din naman (N)si Pilato ng isang pamagat, at inilagay sa ulunan ng krus. At ang nasusulat ay, JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
20 Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagka't ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan; at ito'y nasusulat sa Hebreo, at sa Latin, at sa Griego.
21 Sinabi nga kay Pilato ng mga pangulong saserdote ng mga Judio, Huwag mong isulat, Ang Hari ng mga Judio; kundi, ang kanyang sinabi, Hari ako ng mga Judio.
22 Sumagot si Pilato, Ang naisulat ko ay naisulat ko.
23 (O)Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay (P)walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.
24 Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi,
(Q)Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan,
At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.
25 Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't (R)nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.
26 Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at (S)sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, (T)Babae, narito, ang iyong anak!
27 Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.
28 Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, (U)upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako.
29 Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't (V)naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig.
30 Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, (W)Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.
31 Ang mga Judio nga, (X)sapagka't noo'y Paghahanda, (Y)upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't (Z)dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon.
32 Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya:
33 Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:
34 Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang (AA)dugo at tubig.
35 At ang nakakita ay nagpatotoo, at ang kaniyang patotoo ay totoo: at (AB)nalalaman niyang siya'y nagsasabi ng totoo, upang kayo naman ay magsisampalataya.
36 Sapagka't ang mga bagay na ito ay nangyari, upang matupad ang kasulatan, Ni isa mang (AC)buto niya'y hindi mababali.
37 At sinabi naman sa ibang kasulatan, (AD)Magsisitingin sila sa kaniya na kanilang pinagulusanan.
38 At pagkatapos ng mga bagay na ito (AE)si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay.
39 At naparoon naman si Nicodemo, (AF)yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi, na may dalang isang pinaghalong (AG)mirra at mga aloe, na may mga isang daang (AH)libra.
40 Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing.
41 Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman.
42 (AI)Doon nga, dahil sa Paghahanda ng mga Judio (sapagka't malapit ang libingan) ay kanilang inilagay si Jesus.
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
16 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao:
Nguni't ang sagot ng dila ay (A)mula sa Panginoon.
2 (B)Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata:
Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa.
3 (C)Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa,
At ang iyong mga panukala ay matatatag.
4 Ginawa ng Panginoon ang (D)bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas:
Oo, pati (E)ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan.
5 Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan.
6 (F)Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan:
At sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan.
7 Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon,
Kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway.
8 (G)Maigi ang kaunti na may katuwiran
Kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.
9 (H)Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad:
Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.
10 Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari:
At kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan.
11 (I)Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon:
Lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa.
12 Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan:
Sapagka't ang luklukan ay natatatag (J)sa pamamagitan ng katuwiran.
13 (K)Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari;
At kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid.
14 Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan:
Nguni't papayapain ng pantas.
15 (L)Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay;
(M)At ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan.
16 (N)Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto!
Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak.
17 Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan:
Siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa.
18 Ang (O)kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan,
At ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.
19 (P)Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha,
Kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo.
20 Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti:
(Q)At ang nananalig sa Panginoon ay mapalad.
21 Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait:
At ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan.
22 Ang kaunawaan ay (R)bukal ng buhay sa nagtatamo:
Nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan.
23 (S)Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig,
At nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi.
24 Mga maligayang salita ay parang (T)pulot-pukyutan,
Matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.
25 (U)May daan na tila matuwid sa tao,
Nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
26 Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya;
Sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig.
27 Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan:
At sa kaniyang mga labi ay may (V)masilakbong apoy.
28 Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo:
At (W)ang mapaghatid-dumapit ay (X)naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
29 Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa,
At pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti.
30 Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay:
Siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan.
31 Ang ulong may uban ay (Y)putong ng kaluwalhatian,
Masusumpungan sa daan ng katuwiran.
32 Siyang makupad sa pagkagalit (Z)ay maigi kay sa makapangyarihan;
At siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan.
33 Ginagawa (AA)ang pagsasapalaran sa kandungan;
Nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon.
3 Sa katapustapusan, mga kapatid ko, (A)mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi nakangangalay, nguni't sa inyo'y katiwasayan.
2 Magsipagingat kayo sa mga aso, (B)magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa, (C)magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli:
3 Sapagka't tayo (D)ang pagtutuli, (E)na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:
4 Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:
5 Na tinuli ng ikawalong araw, (F)mula sa lahi ng Israel, (G)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (H)Fariseo;
6 Tungkol (I)sa pagsisikap, (J)ay manguusig sa iglesia; (K)tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.
7 Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.
8 Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan (L)dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,
9 At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang (M)aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi (N)ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:
10 Upang makilala ko siya, at (O)ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at (P)ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay;
11 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
12 Hindi sa ako'y (Q)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.
13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (R)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (S)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,
14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (T)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.
15 Kaya nga, kung ilan tayong (U)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:
16 (V)Lamang, ay magsilakad tayo (W)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.
17 Mga kapatid, (X)kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin.
18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (Y)kaaway ng krus ni Cristo:
19 (Z)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (AA)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (AB)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (AC)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.
20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (AD)ay nasa langit; mula doon ay (AE)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
21 Na (AF)siyang magbabago (AG)ng katawan ng ating pagkamababa, (AH)upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, (AI)ayon sa paggawa na (AJ)maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978