M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang tubig mula sa bato sa Rephidim.
17 (A)At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa ilang ng Sin, sa kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon, at humantong sa Rephidim: at walang tubig na mainom ang bayan.
2 (B)Kaya't ang bayan ay nakipagtalo kay Moises, at nagsabi, Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom. At sinabi ni Moises sa kanila, Bakit kayo nakikipagtalo sa akin? (C)bakit ninyo tinutukso ang Panginoon?
3 At ang bayan ay nauhaw at (D)inupasala ng bayan si Moises, at sinabi, Bakit mo kami isinampa rito mula sa Egipto, upang patayin mo kami sa uhaw, at ang aming mga anak, at ang aming kawan?
4 At si Moises ay dumaing sa Panginoon, na nagsasabi, Anong aking gagawin sa bayang ito? kulang na lamang (E)batuhin nila ako.
5 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel; at ang iyong tungkod na iyong (F)ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at yumaon ka.
6 (G)Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel.
7 At (H)tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon, na Massah at Meribah, dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon, na kanilang sinasabi, Ang Panginoon ba'y nasa gitna natin o wala?
Pakikipaglaban kay Amalec.
8 Nang magkagayo'y (I)dumating si Amalec, at nakipaglaban sa Israel sa Rephidim.
9 At sinabi ni Moises kay Josue, Ipili mo tayo ng mga lalake, at ikaw ay lumabas, lumaban ka kay Amalec; bukas ay tatayo ako sa taluktok ng burol, na aking tangan ang (J)tungkod ng Dios sa aking kamay.
10 Gayon ginawa ni Josue, gaya ng sinabi ni Moises sa kaniya, at lumaban kay Amalec: at si Moises, si Aaron at si Hur ay sumampa sa taluktok ng burol.
11 At nangyari, pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay, ay nananaig ang Israel: at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay, ay nananaig si Amalec.
12 Datapuwa't ang mga kamay ni Moises ay nangalay; at sila'y kumuha ng isang bato, at inilagay sa ibaba, at kaniyang inupuan; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay, ang isa'y sa isang dako, at ang isa'y sa kabilang dako; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw.
13 At nilito ni Josue si Amalec, at ang kaniyang bayan, sa pamamagitan ng talim ng tabak.
14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat, at ipagbigay alam mo kay Josue (K)na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit.
15 At nagtayo si Moises ng isang dambana, at pinanganlang Jehovanissi.[a]
16 At kaniyang sinabi, Isinumpa ng Panginoon: ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito.
20 At nangyari, sa (A)isa sa mga araw, samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo, at ipinangangaral ang evangelio, na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote, at ang mga eskriba pati ng matatanda;
2 At sila'y nangagsalita, na nangagsasabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin: Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito?
3 At siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Tatanungin ko naman kayo ng isang tanong; at sabihin ninyo sa akin:
4 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao?
5 At sila'y nangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?
6 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao; ay babatuhin tayo ng buong bayan, (B)sapagka't sila'y nanganiniwala na si Juan ay propeta.
7 At sila'y nagsisagot, na hindi nila nalalaman kung saan mula.
8 At sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
9 At siya'y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito: (C)Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at ipinagkatiwala sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain na mahabang panahon.
10 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang siya'y bigyan ng bunga ng ubas: datapuwa't hinampas siya ng mga magsasaka, at pinauwing walang dala.
11 At nagsugo pa siya ng ibang alipin: at ito nama'y kanilang hinampas, at inalimura, at pinauwing walang dala.
12 At nagsugo pa siya ng ikatlo: at kanila ring sinugatan ito, at pinalayas.
13 At sinabi ng panginoon ng ubasan, Anong gagawin ko? aking susuguin ang minamahal kong anak; marahil siya'y igagalang nila.
14 Datapuwa't nang makita siya ng mga magsasaka, ay nangagsangusapan sila, na sinasabi, Ito ang tagapagmana; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin.
15 At itinaboy nila siya sa ubasan, at pinatay siya. Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?
16 Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. At nang marinig nila ito, ay sinabi nila, Huwag nawang mangyari.
17 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat,
(D)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali.
Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok?
18 Ang bawa't mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog; datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok.
19 At (E)pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila.
20 At siya'y inaabangan nila, at (F)sila'y nangagsugo ng mga tiktik, na nangagpakunwaring mga matuwid, upang siya'y mahuli sa kaniyang salita, na siya'y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng (G)gobernador.
21 At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios.
22 Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi?
23 Datapuwa't napagkilala niya ang kanilang lalang, at sinabi sa kanila,
24 Pagpakitaan ninyo ako (H)ng isang denario. Kanino ang larawan at ang nasusulat dito? At sinabi nila, Kay Cesar.
25 At sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at ang sa Dios ang sa Dios.
26 At sila'y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan: at sila'y nanganggilalas sa kaniyang sagot, at hindi nangagsiimik.
27 At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli;
28 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, isinulat sa amin ni Moises, (I)na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, na may asawa, at siya'y walang anak, ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa, at bigyang anak ang kaniyang kapatid.
29 Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at namatay na walang anak;
30 At ang pangalawa:
31 At ang pangatlo'y nagasawa sa bao; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak, at nangamatay.
32 Pagkatapos ay namatay naman ang babae.
33 Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.
34 At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:
35 Datapuwa't ang mga (J)inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:
36 Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.
37 Datapuwa't tungkol sa pagbabangon ng mga patay, (K)ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob.
38 Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya (L)ang lahat.
39 At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo.
40 Sapagka't (M)hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
41 (N)At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?
42 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit,
(O)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa aking kanan,
43 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.
44 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?
45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, (P)na naririnig ng buong bayan,
46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;
47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
Pinaratangan ni Eliu si Job na nagaaring ganap sa sarili.
35 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,
2 Iniisip mo bang ito'y matuwid?
O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios,
3 Na iyong sinasabi, (A)Anong pakinabang ang tatamuhin mo?
At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala?
4 Sasagutin kita,
At (B)ang iyong mga kasamahang kasama mo.
5 (C)Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan;
At masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo.
6 Kung ikaw ay nagkasala, (D)anong iyong ginagawa laban sa kaniya?
At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya?
7 (E)Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya?
O anong tinatanggap niya sa iyong kamay?
8 Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo;
At ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.
9 (F)Dahil sa karamihan ng mga kapighatian, sila'y humihiyaw:
Sila'y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan.
10 Nguni't walang nagsasabing, Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin,
(G)Na siyang nagbibigay ng awit kung gabi;
11 Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa.
At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid?
12 Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot,
Dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao
13 Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan,
Ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.
14 (H)Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya.
Ang usap ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya!
15 Nguni't ngayon sapagka't hindi niya dinalaw (I)sa kaniyang galit,
Ni ginunita mang maigi;
16 (J)Kaya't ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan;
Siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman.
5 Sapagka't nalalaman namin na kung masira (A)ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na (B)hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan.
2 Sapagka't tunay na sa ganito (C)kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:
3 Na kung (D)mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.
4 Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y (E)bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.
5 Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay (F)sa amin ng patotoo ng Espiritu.
6 Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon.
7 (Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan (G)ng pananampalataya, (H)hindi sa pamamagitan ng paningin);
8 Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at (I)ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.
9 Kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya.
10 Sapagka't tayong (J)lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.
11 Yamang nalalaman nga (K)ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag (L)sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.
12 Hindi namin ipinagkakapuring (M)muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan (N)na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.
13 Sapagka't (O)kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo.
14 Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na (P)kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay;
15 At siya'y namatay dahil sa lahat, (Q)upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.
16 Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala (R)ang sinoman (S)ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon.
17 Kaya't kung ang sinoman ay na (T)kay Cristo, (U)siya'y bagong nilalang: (V)ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, (W)na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa (X)pagkakasundo;
19 Sa makatuwid baga'y, na ang (Y)Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
20 (Z)Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, (AA)na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.
21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan (AB)ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y (AC)katuwiran ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978