Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 16-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 22 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Mga Hari 5-6:1' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Mga Hari 6:7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 28:1-16

Si Pablo sa Malta

28 Nang kami'y ligtas na at nasa pampang, noon namin nalamang ang pulo ay tinatawag na Malta. Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga katutubo roon. Dahil sa nagsimula nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at malugod kaming tinanggap. Nagtipon naman si Pablo ng kahoy. At nang nailagay na niya ang mga iyon sa siga, lumabas ang isang ulupong nang mainitan, at pumulupot sa kanyang kamay. Nang makita ng mga katutubo ang ulupong na nakabitin sa kanyang kamay, nasabi nila sa isa't isa, “Tiyak na mamamatay-tao ang taong ito. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman hinayaan ng Katarungan na siya'y mabuhay.” Subalit ipinagpag ni Pablo ang ulupong sa apoy at hindi man lamang siya nasaktan. Naghintay ang mga tao na mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay, at nakitang walang masamang nangyari sa kanya, nagbago ang kanilang isip at nagsabing siya'y isang diyos. Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. Nagkataong nakaratay ang ama ni Publio, nilalagnat at may disenteriya, kaya't pinuntahan siya ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. Dahil sa pangyayaring ito, nagdatingan ang mga may karamdamang tagaroon, at pati sila'y gumaling. 10 Kami nama'y binigyan nila ng maraming parangal, at nang maglalayag na kami ay binigyan pa nila kami ng lahat ng aming kailangan sa paglalakbay.

Mula sa Malta Patungong Roma

11 Tatlong buwan kaming namalagi sa Malta bago kami naglayag sakay ng isang barkong nagpalipas din ng tagginaw sa pulo. Ang barkong ito na mula sa Alejandria ay may sagisag na “Kambal na Diyos.” 12 Dumaong kami sa Siracusa at tumigil doon ng tatlong araw. 13 Mula roo'y nagpatuloy kami at nakarating sa Regio. Kinabukasa'y umihip ang hanging habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli. 14 Doon ay may natagpuan kaming mga kapatid. Pinakiusapan nila kaming tumigil doon ng isang linggo. Mula roo'y ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay hanggang makarating kami sa Roma. 15 Nang mabalitaan ng mga kapatid doon ang tungkol sa amin, dumating sila mula pa sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan upang salubungin kami. Nang makita sila ni Pablo, siya'y nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Si Pablo sa Roma

16 Nang makarating kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang manirahang mag-isa, kasama ang isang kawal na magbabantay sa kanya.

Marcos 14:27-42

Sinabi ang Pagkakaila ni Pedro(A)

27 Sinabi (B) ni Jesus sa kanila, “Tatalikod kayong lahat, sapagkat nasusulat, ‘Hahampasin ko ang pastol at pagwawatak-watakin ang mga tupa.’ 28 Ngunit (C) matapos na ako'y maibangon, mauuna ako sa inyo sa Galilea.” 29 Sinabi sa kanya ni Pedro, “Talikuran man kayo ng lahat, hindi ko kayo tatalikuran.” 30 Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, “Tinitiyak ko sa iyo na sa gabi ring ito, bago ang ikalawang pagtilaok ng tandang ay ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.” 31 Ngunit ipinagdiinan ni Pedro, “Mamatay man akong kasama mo, hinding-hindi ko kayo ipagkakaila.” At ganoon din ang sinabi ng lahat.

Nanalangin si Jesus sa Getsemani(D)

32 Pagkatapos ay nagpunta sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Maupo muna kayo rito habang ako'y nananalangin.” 33 Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula siyang mabagabag at mabahala. 34 Sinabi niya sa kanila, “Ang kalooban ko'y punung-puno ng kalungkutan, na halos ikamatay ko. Maghintay kayo at magbantay.” 35 Lumayo nang kaunti si Jesus at nagpatirapa sa lupa. Idinalangin niya na kung maaari'y huwag nang dumating ang kanyang oras. 36 Sinabi niya, “Abba,[a] Ama! Kaya mong gawin ang lahat. Ilayo mo ang kopang ito sa akin. Gayunman, hindi ang nais ko kundi ang nais mo ang masunod.” 37 Bumalik siya sa mga alagad at dinatnang sila'y natutulog. Sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka? Hindi mo ba kayang magbantay kahit isang oras? 38 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo mahulog sa tukso. May pagnanais ang espiritu ngunit mahina ang laman.” 39 Umalis muli si Jesus, nanalangin at inulit ang kanyang kahilingan. 40 Nang bumalik siya sa mga alagad, sila'y muli niyang nadatnang natutulog dahil sila'y antok na antok. Hindi na nila alam ang isasagot sa kanya. 41 Sa ikatlo niyang pagbabalik ay sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin kayo at nagpapahinga? Tama na! Oras na! Ipinagkakanulo na ang Anak ng Tao sa kamay ng mga makasalanan. 42 Bumangon na kayo! Umalis na tayo. Tingnan ninyo, papalapit na ang magkakanulo sa akin.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.