Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 18 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Mga Hari 3:16-28' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 27:27-44

27 Pagkalipas ng dalawang linggo sa dagat, patuloy pa rin kaming tinatangay ng hangin sa Dagat Adriatico. Nang maghahating-gabi na ay inakala ng mga mandaragat na sila'y papalapit na sa pampang. 28 Sinukat nila ang tubig at nalamang dalawampung dipa ang lalim; at pagsulong pa nang kaunti ay muli nilang sinukat at nalamang labinlimang dipa na lamang. 29 Sa takot naming mapadpad sa batuhan, naghulog sila ng apat na angkla sa hulihan at nanalanging mag-umaga na sana. 30 Tinangka ng mga mandaragat na tumakas sa barko kaya't ibinaba ang bangka sa dagat, at kunwari'y maghuhulog sila ng mga angkla sa unahan. 31 Ngunit sinabi ni Pablo sa senturyon at sa mga kawal, “Kapag hindi nanatili ang mga taong ito sa barko, hindi kayo maliligtas.” 32 Kaya't pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka at pinabayaan itong mahulog.

33 Nang mag-uumaga na, hinimok silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Labing-apat na araw na kayong naghihintay at walang kinakaing anuman. 34 Ipinapakiusap kong kumain na kayo! Kailangan ninyo ito para sa inyong kaligtasan. Kahit isang hibla ng buhok sa ulo ninyo ay hindi malalagas.” 35 Nang masabi na niya ito, kumuha siya ng tinapay, nagpasalamat siya sa Diyos sa harapan ng lahat, pinagpira-piraso ang tinapay at nagsimulang kumain. 36 Lumakas ang loob ng lahat, at sila'y kumain din. 37 Dalawandaan at pitumpu't anim na tao kaming lahat na nasa barko. 38 Nang mabusog na sila, itinapon nila sa dagat ang kargang trigo upang gumaan ang barko.

Pagkawasak ng Barko

39 Nang mag-umaga na, nakatanaw sila ng lupa, bagama't hindi nila alam kung anong lugar iyon. Ngunit nabanaagan nila ang isang look na may dalampasigan at binalak nilang maisadsad doon ang barko. 40 Kaya't kinalag nila ang tali ng mga angkla at inihulog ang mga iyon sa dagat. Kinalag din nila ang mga tali ng malalaking sagwan. Itinaas nila ang layag sa unahan at hinayaang itulak ng hangin ang barko patungo sa dalampasigan. 41 Ngunit sumadsad ang barko sa dakong mababaw, sa dakong pinagsasalubungan ng dalawang dagat. Bumaon ang unahan ng barko kaya't hindi makaalis. Ang hulihan naman nito'y winasak ng malalakas na hampas ng alon. 42 Binalak ng mga kawal na pagpapatayin ang mga bilanggo upang walang sinumang makalangoy at makatakas. 43 Subalit nais ng senturyon na iligtas si Pablo kaya pinigil niya ang balak ng mga kawal. Pinatalon niya sa tubig ang mga marunong lumangoy upang mauna na sa pampang. 44 Ang mga naiwan nama'y inutusan niyang sumunod na nakahawak sa mga tabla o sa mga bahagi ng barko. Sa gayon, lahat kami ay ligtas na nakarating sa lupa.

Marcos 14:12-26

Si Jesus at ang mga Alagad nang Araw ng Paskuwa(A)

12 Nang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa araw ng paghahain ng kordero ng Paskuwa, tinanong si Jesus ng kanyang mga alagad, “Saan po ninyo gustong ipaghanda namin kayo upang makakain ng hapunang pampaskuwa?” 13 Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad, “Pumunta kayo sa lungsod at masasalubong ninyo doon ang isang lalaking may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya. 14 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay na kanyang papasukan, ‘Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng hapunang pampaskuwa, kasalo ang kanyang mga alagad.’ 15 Ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nakahanda na at mayroon nang mga kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin.” 16 Kaya't umalis ang mga alagad, nagpunta sa lungsod, at natagpuan doon ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus. At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa. 17 Kinagabihan, dumating si Jesus kasama ang labindalawa. 18 Nang (B) nakaupo na sila at kumakain, sinabi ni Jesus, “Tinitiyak ko sa inyo na ipagkakanulo ako ng isa sa inyong kasalo ko ngayon.” 19 Nalungkot ang mga alagad at isa-isang nagsabi sa kanya, “Hindi ako iyon, Panginoon, di po ba?” 20 Sinabi niya sa kanila, “Isa sa inyong labindalawa na kasabay ko sa pagsawsaw sa mangkok. 21 Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat tungkol sa kanya, ngunit kahabag-habag ang taong iyon na magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na ipinanganak.”

Ang Hapunan ng Panginoon(C)

22 Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagputul-putol niya ang tinapay, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Tanggapin ninyo; ito ang aking katawan.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos, iniabot ito sa mga alagad at mula roon ay uminom silang lahat. 24 Sinabi (D) niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos para sa marami. 25 Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak mula sa katas ng ubas hanggang sa araw na iyon na uminom ako nang panibago sa kaharian ng Diyos.” 26 Pagkaawit ng isang himno, lumabas sila at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.