Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.
61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(A)Matibay na moog sa kaaway.
4 (B)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 (C)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (D)at katotohanan, upang mapalagi siya.
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(E)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.
62 Sa (F)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
2 Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (G)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(H)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
4 Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (I)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
5 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (J)hindi ako makikilos.
7 (K)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
8 Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(L)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
9 (M)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(N)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (O)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(P)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (Q)kagandahang-loob:
Sapagka't (R)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.
68 Bumangon nawa ang (A)Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
2 (B)Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
(C)Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
3 Nguni't mangatuwa (D)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
4 Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(E)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(F)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
5 (G)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
6 Pinapagmamaganak (H)ng Dios ang mga nagiisa:
(I)Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't (J)ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
7 Oh Dios, (K)nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
8 (L)Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang (M)Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
9 Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
11 Nagbibigay ng salita ang Panginoon:
Ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo.
12 Mga hari ng mga hukbo ay (N)nagsisitakas, sila'y nagsisitakas:
(O)At nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay.
13 (P)Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan,
(Q)Na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak,
At ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw?
14 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon,
Ay tila nagka nieve sa (R)Salmon.
15 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan;
Mataas na bundok ang bundok ng Basan.
16 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok,
(S)Sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan?
Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man.
17 (T)Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo samakatuwid baga'y libolibo:
Ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario.
18 (U)Sumampa ka sa mataas, (V)pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag;
Tumanggap ka ng mga (W)kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.
19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan,
Sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)
20 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan;
At (X)kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan.
21 (Y)Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway.
Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala.
22 Sinabi ng Panginoon, (Z)Ibabalik ko uli mula sa Basan,
Ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat:
23 (AA)Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo,
(AB)Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway.
24 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios,
Sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario.
25 (AC)Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod,
(AD)Sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta.
26 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng (AE)lahi ng Israel.
27 Doo'y (AF)ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno,
Ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong,
Ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.
28 Ang Dios mo'y (AG)nagutos ng iyong kalakasan:
Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
29 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem
(AH)Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo.
30 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo,
Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan,
Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak;
Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma.
31 Mga pangulo ay (AI)magsisilabas sa Egipto;
Magmamadali ang (AJ)Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios.
32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33 Sa kaniya na (AK)sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34 Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35 Oh Dios, ikaw ay (AL)kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.
Si Job ay sumailalim ng Panginoon. Ang hamon ng Panginoon.
40 Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,
Ang kapangyarihan ng Panginoon ay katulad ng buwaya.
41 Mahuhuli mo ba ang (A)buwaya ng isang bingwit?
O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali?
2 Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong?
O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit?
3 Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo?
O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
4 Makikipagtipan ba siya sa iyo,
Upang ariin mo siyang alipin magpakailan man?
5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon?
O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga?
6 Makakalakal ba siya (B)ng mga pulutong ng mangingisda?
Mababahagi ba siya nila sa (C)mga mangangalakal?
7 Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal,
O ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda?
8 Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;
Alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin.
9 Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan:
Hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon?
10 Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon:
Sino ngang makatatayo sa harap ko?
11 (D)Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya?
(E)Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.
6 At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at (A)Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;
7 At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;
8 At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa (B)Troas.
9 At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.
10 At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio.
11 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis;
12 At mula doo'y (C)ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang (D)una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.
13 At nang araw (E)ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.
14 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng (F)Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.
15 At nang siya'y mabautismuhan na, (G)at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako'y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo'y magsitira doon. At kami'y pinilit niya.
9 Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, (A)na muling ibinangon niya mula sa mga patay.
10 Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;
11 Sapagka't dahil sa kaniya'y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus.
12 Nang kinabukasan (B)ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,
13 Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.
14 At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,
15 Huwag kang matakot, (C)anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.
16 Ang mga bagay na ito ay (D)hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: (E)nguni't nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya.
17 Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo.
18 (F)Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka't nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito.
19 Ang mga Fariseo nga'y nangagsangusapan, (G)Tingnan ninyo kung paanong kayo'y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978