Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 31

Awit ng pagtutol at pagpapasalamat. Sa Pangulong manunugtog.

31 Sa (A)iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako;
Huwag akong mapahiya kailan man;
Palayain mo ako sa iyong katuwiran.
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali:
Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin,
Bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
(B)Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta;
(C)Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
(D)Hugutin mo ako sa (E)silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
(F)Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa;
Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.
Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan:
(G)Nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.
Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob:
Sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian:
Iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:
At hindi mo (H)kinulong sa kamay ng kaaway;
(I)Iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.
Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (J)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (K)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (L)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (M)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (N)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (O)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (P)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (Q)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
17 Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo:
Mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol.
18 Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi;
Na nangagsasalita laban sa matuwid (R)ng kalasuwaan,
Ng kapalaluan at paghamak.
19 (S)Oh pagkadakila ng iyong kabutihan,
Na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo,
Na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo,
Sa harap ng mga anak ng mga tao!
20 Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao:
(T)Iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
21 Purihin ang Panginoon:
Sapagka't (U)ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob (V)sa isang matibay na bayan.
22 (W)Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali,
(X)Nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata:
Gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik,
Nang ako'y dumaing sa iyo.
23 (Y)Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya:
Pinalalagi ng Panginoon ang tapat,
At pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
24 (Z)Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso,
(AA)Kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.

Mga Awit 35

Panalangin sa pagliligtas sa kaaway. Awit ni David.

35 (A)Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin:
Lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
(B)Humawak ka ng kalasag at ng longki,
At tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin:
Sabihin mo sa aking kaluluwa,
Ako'y iyong kaligtasan.
(C)Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
(D)Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
Maging madilim nawa, at (E)madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng (F)kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
(G)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (H)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon:
(I)Magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, (J)sino ang gaya mo,
Na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya,
Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
11 Mga saksing masasama ay nagsisitayo;
Sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 (K)Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
Sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo:
(L)Aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno;
At ang aking dalangin ay (M)nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid:
Ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
15 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipipisan:
Ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
16 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan,
(N)Kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.
17 Panginoon, hanggang (O)kailan titingin ka?
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira,
(P)Ang aking sinta mula sa mga leon.
18 (Q)Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan:
Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway;
Ni (R)magkindat man ng mata (S)ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan:
Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
21 Oo, (T)Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin;
Kanilang sinasabi: (U)Aha, aha, nakita ng aming mata.
22 Iyong (V)nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik,
Oh Panginoon, (W)huwag kang lumayo sa akin.
23 (X)Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan,
Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
24 (Y)Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran;
At huwag mo silang pagalakin sa akin.
25 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin:
Huwag silang magsabi: (Z)Aming sinakmal siya.
26 (AA)Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak:
Manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran:
Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon,
(AB)Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
28 (AC)At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran,
At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.

Job 19:1-7

Si Job ay tumutol sa pagkamuhi ng kaniyang mga kaibigan, at tumawag sa kanilang pagkahabag.

19 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa,
At babagabagin ako ng mga salita?
Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako:
Kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
At kahima't ako'y magkamali,
Ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
Kung tunay na (A)kayo'y magpapakalaki laban sa akin,
At ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios,
At inikid ako ng kaniyang silo.
Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig;
Ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.

Job 19:14-27

14 Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo,
At nilimot ako ng aking mga (A)kasamasamang kaibigan.
15 Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan;
Ako'y naging kaiba sa kanilang paningin.
16 Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot,
Bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig.
17 Ang aking hininga ay iba sa aking asawa,
At ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina.
18 Pati ng mga bata ay humahamak sa akin;
Kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:
19 Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin:
At ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin,
20 Ang aking buto ay dumidikit (B)sa aking balat at sa aking laman,
At ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin.
21 Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko;
Sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
22 Bakit ninyo (C)ako inuusig na gaya ng Dios.
At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?

Siya ay nananalig na siya ay matutubos din.

23 Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita!
Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
24 Ng isa nawang panulat na bakal at tingga,
Na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
25 Nguni't talastas ko na (D)manunubos sa akin ay buháy,
At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
26 At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat,
Gayon ma'y (E)makikita ko ang Dios sa aking laman:
27 Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.
Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.

Mga Gawa 13:13-25

13 Nagsitulak nga sa (A)Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik (B)sa Jerusalem.

14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at (C)sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.

15 At pagkatapos ng pagbasa ng (D)kautusan at ng (E)mga propeta, (F)ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong (G)anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.

16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (H)ikinikiya na nagsabi,

Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.

17 (I)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (J)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (K)sila roon.

18 At nang panahong halos (L)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.

19 At (M)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (N)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

20 At (O)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

21 At pagkatapos ay (P)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (Q)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (R)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.

22 At nang siya'y alisin niya, ay (S)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (T)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (U)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.

23 (V)Sa binhi ng taong ito, (W)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (X)Tagapagligtas, na si Jesus;

24 Noong unang ipangaral ni (Y)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.

25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (Z)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

Juan 9:18-41

18 Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya, na siya'y naging bulag, at tumanggap ng kaniyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin,

19 At nangagtanong sa kanila, na sinasabi, Ito baga ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? paano ngang nakakakita siya ngayon?

20 Nagsisagot ang kaniyang mga magulang, at nangagsabi, Nalalaman naming ito'y aming anak, at siya'y ipinanganak na bulag:

21 Datapuwa't kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya; siya'y may gulang na; siya'y magsasalita para sa sarili niya.

22 Ang mga bagay na ito'y sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagka't (A)nangatatakot sa mga Judio: sapagka't pinagkaisahan na (B)ng mga Judio, na kung ang sinomang tao'y ipahayag siya na siya ang Cristo, (C)ay palayasin siya sa sinagoga.

23 Kaya't sinabi ng kaniyang mga magulang, Siya'y may gulang na; tanungin siya.

24 Dahil dito'y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito.

25 Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako.

26 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang ginawa niya sa iyo? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata?

27 Sinagot niya sila, Kasasabi ko lamang sa inyo, at hindi ninyo pinakinggan; bakit ibig ninyong marinig uli? ibig baga naman ninyong kayo'y maging mga alagad niya?

28 At siya'y kanilang inalipusta, at sinabi, Ikaw ang alagad niya; datapuwa't kami'y mga alagad ni Moises.

29 Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises: datapuwa't (D)tungkol sa taong ito, ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya.

30 Sumagot ang tao at sa kanila'y sinabi, Narito nga ang kagilagilalas, na hindi ninyo nalalaman kung siya'y taga saan, at gayon ma'y pinadilat niya ang aking mga mata.

31 Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng (E)Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya.

32 Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag.

33 (F)Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman.

34 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At (G)siya'y pinalayas nila.

35 Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa (H)Anak ng Dios?

36 Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya?

37 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at (I)siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo.

38 At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya.

39 At sinabi ni Jesus, (J)Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, (K)upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag.

40 Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din?

41 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, (L)Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978