Book of Common Prayer
ZAIN.
49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod,
Na doo'y iyong pinaasa ako.
50 Ito'y aking (A)kaaliwan sa aking pagkapighati:
Sapagka't binuhay ako ng (B)iyong salita.
51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin:
Gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon,
At ako'y nagaliw sa sarili.
53 (C)Maalab na galit ang humawak sa akin,
Dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit
Sa (D)bahay ng aking pangingibang bayan.
55 (E)Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon,
At sinunod ko ang iyong kautusan.
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
CHETH.
57 (F)Ang Panginoon ay aking bahagi:
Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso:
Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 (G)Ako'y nagiisip sa aking mga lakad,
At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad,
Na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama;
Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 (H)Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo,
Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo,
At ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno (I)ng iyong kagandahang-loob:
(J)Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
TETH.
65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod,
Oh Panginoon, (K)ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman;
Sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 (L)Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 (M)Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti;
Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69 Ang palalo ay (N)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70 (O)Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo;
Nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71 (P)Mabuti sa akin na ako'y napighati;
Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (Q)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
49 (A)Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan;
Pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
2 (B)Ng mababa at gayon din ng mataas,
Ng mayaman at ng dukha na magkasama.
3 Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan;
At ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
4 (C)Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga:
Ibubuka ko ang aking (D)malabong sabi sa alpa.
5 Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan,
Pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
6 Silang (E)nagsisitiwala sa kanilang kayamanan,
At nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
7 Wala sa kaniyang (F)makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid,
Ni (G)magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
8 (Sapagka't (H)ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal,
At ito'y naglilikat magpakailan man:)
9 Upang siya'y mabuhay na lagi,
Upang siya'y (I)huwag makakita ng kabulukan.
10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay (J)nangamamatay,
Ang mangmang at gayon din ang (K)hangal ay nililipol,
(L)At iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
11 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man,
At ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi;
(M)Tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan:
Siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
13 Itong kanilang lakad ay (N)kanilang kamangmangan:
Gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
14 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan;
Kamatayan ay magiging pastor sa kanila:
At (O)ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan;
At ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw,
Upang mawalan ng tahanan.
15 Nguni't (P)tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol:
(Q)Sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
16 Huwag kang matakot pagka may yumaman.
Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
17 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin;
Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
18 Bagaman habang siya'y nabuhay ay (R)kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa,
(At pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
19 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang;
Hindi sila makakakita kailan man ng (S)liwanag.
20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa,
Ay gaya ng mga hayop na namamatay.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.
53 (A)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(B)Walang gumawa ng mabuti.
2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
3 Bawa't isa sa kanila ay (C)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(D)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (E)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (F)pinangalat ng Dios ang mga (G)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(H)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
Naaalaala ni Job ang kaniyang nakaraang kasayahan at kapangyarihan.
29 At (A)muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,
Idinadaing niya ang kaparusahan na kaniyang dinadanas, at ang malabis na pahirap sa kaniya ng Panginoon.
30 Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin,
(A)Na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
2 Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan?
Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
16 At (A)ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko;
Mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
17 Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto,
At ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
18 Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot:
Tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
19 Inihahagis niya ako sa banlik,
At ako'y naging parang alabok at mga abo.
20 Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot:
Ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
21 Ikaw ay naging mabagsik sa akin:
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
22 Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon;
At tinutunaw mo ako sa bagyo.
23 Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan,
At sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
24 Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog?
O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
25 (B)Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan?
Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
26 (C)Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating:
At pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
27 Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga;
Mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
28 (D)Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw;
Ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
29 Ako'y kapatid ng mga chakal, At mga kasama ng mga avestruz.
30 (E)Ang aking balat ay maitim, at natutuklap,
(F)At ang aking mga buto ay nagpapaltos.
31 Kaya't ang aking (G)alpa ay naging panangis,
At ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.
19 Datapuwa't (A)nagsirating ang mga Judiong buhat sa (B)Antioquia at (C)Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, (D)ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na.
20 Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa (E)Derbe.
21 At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia,
22 Na (F)pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian (G)ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.
23 At nang makapaglagay na sa kanila ng (H)mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
24 At kanilang tinahak ang (I)Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia.
25 At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia;
26 At buhat doo'y nagsilayag sila sa (J)Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa (K)biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na.
27 At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, (L)at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
28 At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad.
11 Isang tao nga na may-sakit, si Lazaro na taga (A)Betania, na nayon ni (B)Maria at ni Marta na kaniyang kapatid.
2 At ito'y yaong (C)si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.
3 Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae, na nagsasabi, Panginoon, narito, siya na iyong iniibig ay may-sakit.
4 Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, (D)kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.
5 Iniibig nga ni Jesus si Marta, at ang kaniyang kapatid na babae, at si Lazaro.
6 Nang mabalitaan nga niya na siya'y may-sakit, (E)siya'y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya.
7 Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, Tayo nang muli sa Judea.
8 Sinabi sa kaniya ng mga alagad, Rabi, ngayo'y pinagsisikapang (F)batuhin ka ng mga Judio; at muli kang paroroon doon?
9 Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? (G)Kung ang isang tao'y lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagka't nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito.
10 Nguni't (H)ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya.
11 Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay (I)natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
12 Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
13 Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.
14 Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.
15 At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya.
16 Si (J)Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978