Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 25

Panalangin sa pagiingat. Pagbabantay, at patawad. Awit ni David.

25 Sa iyo, (A)Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.
Oh Dios ko (B)sa iyo'y tumiwala ako,
(C)Huwag nawa akong mapahiya;
Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
Oo, (D)walang naghihintay sa iyo na mapapahiya;
Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,
(E)Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon;
Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin;
Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan;
Sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob;
(F)Sapagka't magpakailan man mula ng una.
(G)Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:
Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
Mabuti at matuwid ang Panginoon:
Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:
At ituturo niya sa maamo ang daan niya.
10 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan
Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
11 (H)Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon,
Iyong ipatawad ang aking kasamaan, (I)sapagka't malaki.
12 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon?
Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
13 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan;
At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
14 (J)Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya;
At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
15 (K)Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon;
Sapagka't (L)huhugutin niya ang aking mga paa (M)sa silo.
16 (N)Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin;
Sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati.
17 Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki:
Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.
18 (O)Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam;
At ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan.
19 Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami;
At pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit.
20 Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako:
(P)Huwag nawa akong mapahiya, (Q)sapagka't nanganganlong ako sa iyo.
21 Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran,
Sapagka't hinihintay kita.
22 (R)Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.

Mga Awit 9

Awit ng pagpapasalamat sa katarungan ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Muth-labben. Awit ni David.

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso;
Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.
Ako'y magpapakasaya at (A)magpapakagalak sa iyo:
Ako'y aawit ng pagpuri sa (B)iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.
Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik,
Sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.
Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap;
Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.
Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama,
(C)Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.
Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man;
At ang mga siyudad na iyong dinaig,
Ang tanging alaala sa kanila ay napawi.
Nguni't ang (D)Panginoon ay nauupong hari magpakailan man:
Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
At (E)hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan,
Siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.
Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,
Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay (F)maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo;
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion:
(G)Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12 Sapagka't siyang (H)nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:
Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;
Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,
Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga (I)pintuan ng kamatayan;
14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:
Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,
(J)Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 Ang mga bansa ay (K)nangahulog sa balon na kanilang ginawa:
Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 Ang Panginoon (L)ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan:
Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,
Pati ng lahat ng mga bansa na (M)nagsisilimot sa Dios.
18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,
(N)Ni ang pagasa (O)ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:
Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:
Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)

Mga Awit 15

Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.

15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
(D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
(F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.

Mga Kawikaan 10:1-12

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

10 (A)Mga kawikaan ni Salomon.

Ang (B)pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama:
Nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
(C)Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Hindi titiisin (D)ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid:
Nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
Siya'y nagiging dukha na gumagawa (E)ng kamay na walang kasipagan:
Nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak:
Nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
(F)Ang alaala sa ganap ay pinagpapala:
Nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay:
Nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala.
10 (G)Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
11 Ang bibig ng matuwid, ay (H)bukal ng kabuhayan:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
12 Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan:
(I)Nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.

1 Timoteo 1:1-17

Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)ayon sa utos ng (B)Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na (C)ating pagasa;

Kay (D)Timoteo na aking (E)tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.

Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao (F)na huwag magsipagturo ng ibang aral,

Ni huwag makinig (G)sa mga katha at sa mga (H)kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng (I)pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.

Nguni't (J)ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na (K)puso at sa (L)mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:

Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;

Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.

(M)Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at (N)mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,

10 Dahil sa (O)mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga (P)nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga (Q)mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban (R)sa mabuting aral;

11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, (S)na ipinagkatiwala sa akin.

12 Nagpapasalamat (T)ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;

13 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at (U)manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y (V)kinahabagan ako, sapagka't yao'y (W)ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;

14 At totoong sumagana (X)ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.

15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (Y)na si (Z)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (AA)sa mga ito;

16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.

17 Ngayon (AB)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (AC)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.

Mateo 12:22-32

22 Nang magkagayo'y dinala sa kaniya ang (A)isang inaalihan ng demonio, bulag at pipi, at kaniyang pinagaling, ano pa't ang pipi ay nagsalita at nakakita.

23 At ang buong karamihan ay nangagtaka, at nangagsabi, Ito kaya ang (B)Anak ni David?

24 Datapuwa't nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang taong ito'y (C)hindi nagpapalabas ng mga demonio, kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio.

25 At (D)pagkaalam niya ng mga iniisip nila, ay sinabi niya sa kanila, (E)Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak; ang bawa't bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.

26 At kung pinalalabas ni Satanas si Satanas, siya nababahagi laban sa kaniyang sarili; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian?

27 At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio, ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila'y pinalalabas? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom.

28 Nguni't kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.

29 O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at (F)kung magkagayo'y masasamsaman niya ang kaniyang bahay.

30 (G)Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat.

31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, (H)Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.

32 At ang sinomang magsalita ng isang salitang (I)laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978