Book of Common Prayer
UNANG AKLAT
Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (A)upuan ng mga (B)manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (C)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya'y magiging (D)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (E)giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; Kundi (F)parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya't ang masama ay hindi (G)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka't nalalaman ng (H)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
2 Bakit ang mga bansa ay (I)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (J)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 (K)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay (L)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (M)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (N)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 (O)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (P)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (Q)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (R)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(S)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (T)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.
3 Panginoon, (U)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(V)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon (W)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (X)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (Y)niya ako mula sa (Z)kaniyang banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y (AA)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 (AB)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8 Pagliligtas ay ukol (AC)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (AD)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (AE)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(AF)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (AG)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(AH)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (AI)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (AJ)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.
7 Oh Panginoon kong Dios, (A)sa iyo nanganganlong ako.
(B)Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
(C)Na lurayin ito, habang walang magligtas.
3 Oh Panginoon kong Dios, (D)kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan (E)sa aking mga kamay;
4 Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, (F)aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
5 Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
6 Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
(G)Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At (H)gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
7 At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
8 Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
(I)Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
(J)Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios (K)ang mga pagiisip at ang mga puso.
10 Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11 Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang (L)ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 (M)Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
(N)At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 (O)Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.
11 Anak ko,(A)huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon;
Ni mayamot man sa kaniyang saway:
12 Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig:
(B)Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
13 Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan,
At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
14 (C)Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak,
At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
15 Mahalaga nga kay sa mga rubi;
At wala (D)sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
16 Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya,
Sa kaniyang kaliwang kamay ay (E)mga kayamanan at karangalan.
17 (F)Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan,
At lahat niyang mga landas ay kapayapaan.
18 Siya ay (G)punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya:
At mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya.
19 Nilikha ng (H)Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan;
Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.
20 (I)Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman,
At ang mga alapaap ay nagsipatak ng (J)hamog.
18 Mumunti kong mga anak, (A)huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
19 Dito'y makikilala nating (B)tayo'y sa katotohanan, at (C)papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan niya.
20 Sapagka't (D)kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.
21 Mga minamahal, kung tayo'y hindi hinahatulan ng ating puso, (E)ay may pagkakatiwala tayo sa Dios;
22 (F)At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya, sapagka't tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin.
23 At ito ang kaniyang utos, (G)na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin.
24 At ang tumutupad ng kaniyang mga utos (H)ay mananahan sa kaniya, at (I)siya ay sa kaniya. At (J)dito'y nakikilala natin na siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin.
4 Mga minamahal, (K)huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, (L)kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't (M)maraming nagsilitaw na (N)mga bulaang propeta sa sanglibutan.
2 Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: (O)ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay (P)naparitong nasa laman ay sa Dios:
3 At ang (Q)bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; (R)at ngayo'y nasa sanglibutan na.
4 Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila (S)siyang nasa inyo (T)kay sa nasa sanglibutan.
5 Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig (U)ng sanglibutan.
6 Tayo nga'y sa Dios: (V)ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala (W)ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.
11 At nangyari, na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad, ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila.
2 (A)Nang marinig nga ni Juan (B)sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad,
3 At sinabi sa kaniya, Ikaw baga (C)yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
4 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita:
5 Ang mga bulag ay nangakakakita, (D)ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at (E)sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
6 At mapalad ang sinomang hindi (F)makasumpong ng anomang katitisuran sa akin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978