Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 5-6

Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.

Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
Dinggin mo ang tinig ng aking daing, (A)Hari ko, at Dios ko;
Sapagka't (B)sa Iyo'y dumadalangin ako.
Oh Panginoon, (C)sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga (D)kabulaanan:
(E)Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
(F)Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
(G)Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na (H)libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap (I)na gaya ng isang kalasag.

Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.

Oh Panginoon, (J)huwag mo akong sawayin sa iyong galit,
(K)Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
(L)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:
At ikaw, Oh Panginoon, (M)hanggang kailan?
Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:
Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
(N)Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;
Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;
Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
(O)Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;
Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
(P)Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:
Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;
Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:
Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.

Mga Awit 10-11

Panalangin upang mabuwal ang masama.

10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(A)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (B)Walang Dios.
Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(C)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
Sinasabi niya sa kaniyang puso, (D)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
(E)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(F)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
(G)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(H)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (I)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (J)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (K)sa iyo; (L)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (M)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
16 Ang Panginoon ay (N)Hari magpakailan-kailan man.
Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.
17 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo:
Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
18 Upang (O)hatulan ang ulila at ang napipighati,
Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.

Ang Panginoon ay kanlungan. Sa Pangulong manunugtog. Awit ni David.

11 Sa Panginoon ay (P)nanganganlong ako:
(Q)Ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
Sapagka't, (R)narito, binalantok ng masama ang busog,
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
(S)Kung ang mga patibayan ay masira,
Anong magagawa ng matuwid?
(T)Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,
Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;
Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
(U)Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;
Nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
(V)Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;
Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay (W)magiging bahagi ng kanilang saro.
Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; (X)minamahal niya ang katuwiran:
(Y)Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.

Mga Kawikaan 4

Ang pangmagulang na payo upang lumakad sa karunungan.

Dinggin ninyo, (A)mga anak ko, ang turo ng ama,
At makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral;
Huwag ninyong bayaan ang aking kautusan.
Sapagka't ako'y anak sa aking ama,
(B)Malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina.
(C)At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin:
Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita;
(D)Ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:
(E)Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan;
Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:
Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya;
(F)Ibigin mo siya at iingatan ka niya.
Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan:
Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
(G)Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka:
Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.
Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng (H)pugong na biyaya:
Isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
10 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi;
(I)At ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.
11 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan;
Aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.
12 Pagka ikaw ay yumayaon (J)hindi magigipit ang iyong mga hakbang;
At kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.
13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan:
Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay.
14 (K)Huwag kang pumasok sa landas ng masama,
At huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.
15 Ilagan mo, huwag mong daanan;
Likuan mo, at magpatuloy ka.
16 (L)Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan;
At ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.
17 Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan,
At nagsisiinom ng alak ng karahasan.
18 (M)Nguni't ang landas ng matuwid (N)ay parang maliyab na liwanag,
Na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
19 (O)Ang lakad ng masama ay parang kadiliman:
Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
20 Anak ko, makinig ka sa aking mga salita;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
21 (P)Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata;
(Q)Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
22 Sapagka't (R)buhay sa nangakakasumpong,
At kagalingan sa buo nilang katawan.
23 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap;
(S)Sapagka't dinadaluyan ng buhay,
24 Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig,
At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
25 Tuminging matuwid ang iyong mga mata,
At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
26 Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa,
At mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
27 (T)Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man:
Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.

1 Juan 4:7-21

Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

(A)Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang (B)Dios ay pagibig.

(C)Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng (D)Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan (E)upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

10 Narito ang pagibig, (F)hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak (G)na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.

11 Mga minamahal, (H)kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo.

12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: (I)kung tayo'y nangagiibigan, ang (J)Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:

13 Dito'y nakikilala natin na (K)tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.

14 At (L)nakita natin at sinasaksihan na sinugo (M)ng Ama ang Anak upang maging (N)Tagapagligtas ng sanglibutan.

15 Ang (O)sinomang nagpapahayag (P)na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.

16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. (Q)Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.

17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa (R)araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.

18 Walang takot sa pagibig: (S)kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.

19 (T)Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.

20 Kung sinasabi ng sinoman, (U)Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, (V)ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?

21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.

Mateo 11:7-15

At samantalang ang mga ito'y nagsisiyaon ng kanilang lakad, ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan, Ano ang nilabas ninyo upang masdan (A)sa ilang? (B)isang tambo na inuuga ng hangin?

Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari.

Datapuwa't ano ang nilabas ninyo? upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, (C)at lalo pang higit kay sa isang propeta.

10 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat,

(D)Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha,
Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.

11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya.

12 At mula sa (E)mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.

13 Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula.

14 At kung ibig ninyong tanggapin, ay (F)siya'y si Elias na paririto.

15 Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay (G)makinig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978