1 Samuel 2:9
Ang Biblia (1978)
9 (A)Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal;
Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman;
Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
Isaias 59:9-10
Ang Biblia (1978)
9 Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: (A)kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.
10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na (B)parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
Read full chapter
Jeremias 23:12
Ang Biblia (1978)
12 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't (A)ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Juan 12:35
Ang Biblia (1978)
35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang (A)sasagitna ninyo ang ilaw. (B)Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at (C)ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978