Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:49-72

ZAIN.

49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod,
Na doo'y iyong pinaasa ako.
50 Ito'y aking (A)kaaliwan sa aking pagkapighati:
Sapagka't binuhay ako ng (B)iyong salita.
51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin:
Gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon,
At ako'y nagaliw sa sarili.
53 (C)Maalab na galit ang humawak sa akin,
Dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit
Sa (D)bahay ng aking pangingibang bayan.
55 (E)Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon,
At sinunod ko ang iyong kautusan.
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

CHETH.

57 (F)Ang Panginoon ay aking bahagi:
Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso:
Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 (G)Ako'y nagiisip sa aking mga lakad,
At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad,
Na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama;
Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 (H)Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo,
Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo,
At ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno (I)ng iyong kagandahang-loob:
(J)Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

TETH.

65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod,
Oh Panginoon, (K)ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman;
Sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 (L)Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 (M)Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti;
Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69 Ang palalo ay (N)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70 (O)Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo;
Nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71 (P)Mabuti sa akin na ako'y napighati;
Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (Q)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.

Mga Awit 49

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

49 (A)Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan;
Pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
(B)Ng mababa at gayon din ng mataas,
Ng mayaman at ng dukha na magkasama.
Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan;
At ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
(C)Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga:
Ibubuka ko ang aking (D)malabong sabi sa alpa.
Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan,
Pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
Silang (E)nagsisitiwala sa kanilang kayamanan,
At nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
Wala sa kaniyang (F)makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid,
Ni (G)magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
(Sapagka't (H)ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal,
At ito'y naglilikat magpakailan man:)
Upang siya'y mabuhay na lagi,
Upang siya'y (I)huwag makakita ng kabulukan.
10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay (J)nangamamatay,
Ang mangmang at gayon din ang (K)hangal ay nililipol,
(L)At iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
11 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man,
At ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi;
(M)Tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan:
Siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
13 Itong kanilang lakad ay (N)kanilang kamangmangan:
Gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
14 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan;
Kamatayan ay magiging pastor sa kanila:
At (O)ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan;
At ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw,
Upang mawalan ng tahanan.
15 Nguni't (P)tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol:
(Q)Sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
16 Huwag kang matakot pagka may yumaman.
Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
17 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin;
Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
18 Bagaman habang siya'y nabuhay ay (R)kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa,
(At pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
19 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang;
Hindi sila makakakita kailan man ng (S)liwanag.
20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa,
Ay gaya ng mga hayop na namamatay.

Mga Awit 53

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.

53 (A)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(B)Walang gumawa ng mabuti.
Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
Bawa't isa sa kanila ay (C)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(D)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (E)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (F)pinangalat ng Dios ang mga (G)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(H)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.

Genesis 16:1-14

Si Sarai at si Agar.

16 Si Sarai nga na asawa ni Abram ay (A)hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na (B)taga Egipto, na nagngangalang (C)Agar.

At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking (D)alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.

At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang (E)alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.

At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay (F)niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.

At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang (G)humatol sa akin at sa iyo.

Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.

At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa (H)tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.

At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.

At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay.

10 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, (I)Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.

11 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't dininig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.

12 (J)At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; (K)at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.

13 At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin?

14 Kaya't nginalanan ang balong yaon (L)Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; (M)narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered.

Mga Hebreo 9:15-28

15 At dahil dito'y siya ang (A)tagapamagitan ng isang (B)bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, (C)ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.

16 Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.

17 Sapagka't (D)ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa.

18 Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo.

19 Sapagka't (E)nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng (F)mga bulong baka at ng mga kambing, (G)na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang boong bayan,

20 Na sinasabi, Ito (H)ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.

21 Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay (I)pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.

22 At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at (J)maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

23 Kinakailangan nga na (K)ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito.

24 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang (L)ng tunay; kundi (M)sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios (N)dahil sa atin:

25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (O)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (P)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;

26 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay (Q)minsan siya'y nahayag (R)sa katapusan ng mga panahon (S)upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.

27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (T)upang dalhin ang mga kasalanan (U)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (V)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Juan 5:19-29

19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, (A)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.

20 Sapagka't (B)sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas.

21 Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at (C)sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.

22 Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang (D)buong paghatol;

23 Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. (E)Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.

24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (F)Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, (G)kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.

25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig (H)ng mga patay (I)ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.

26 Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, (J)ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili:

27 At (K)binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao.

28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,

29 At (L)magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978