Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 55

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.

55 (A)Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
(B)Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
(C)Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
(D)Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
(E)Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng (F)kakilabutan.
At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng (G)pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
(H)Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
(I)Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay (J)sa bahay ng Dios.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
(K)Mababa nawa silang buháy sa (L)Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 (M)Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
(N)Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 (O)Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
(P)Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 (Q)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay (R)hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.

Mga Awit 138:1-139:23

Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.

138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(A)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (B)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
Lahat ng mga hari sa lupa (C)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
(D)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (E)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
(F)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
(G)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(H)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (I)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(J)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(K)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (L)natatalastas mo nang buo.
(M)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (N)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
(O)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
(P)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(Q)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
Kung aking kunin ang mga (R)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (S)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (T)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 (U)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(V)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (W)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (X)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19 Walang pagsalang iyong (Y)papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At (Z)ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 (AA)Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 (AB)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:

Genesis 18:1-16

Tatlong Anghel ay dumalaw kay Abraham.

18 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni (A)Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw.

(B)At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: (C)at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa.

At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod.

Itulot mong (D)dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy.

At magdadala ako ng isang subong tinapay (E)at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: (F)yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi.

At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay.

At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin.

At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain.

Ang pangako sa panganganak ay inulit.

At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya (G)Narito, nasa tolda.

10 At sinabi niya, (H)Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong (I)panahon ng taong darating; at (J)narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya.

11 (K)Si Abraham at si Sara nga'y matatanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae.

12 (L)At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, (M)Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng (N)panginoon ko?

13 At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako'y manganganak, na matanda na ako?

14 (O)May anomang bagay kayang (P)napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake.

15 Nang magkagayo'y nagkaila si Sara, na sinasabi, Hindi ako tumawa, sapagka't siya'y natakot. Nguni't sinabi niya, Hindi gayon; kundi ikaw ay tumawa.

16 At nangagtindig doon ang mga lalake, at nangagsitingin sa dakong Sodoma; at sinamahan sila ni Abraham, upang ihatid sila sa daan.

Mga Hebreo 10:26-39

26 Sapagka't (A)kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, (B)ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

28 (C)Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:

29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, (D)ang ihahatol na nauukol doon (E)sa yumurak sa (F)Anak ng Dios, at umaring di banal (G)sa dugo ng (H)tipan na (I)nagpabanal sa kaniya, (J)at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?

30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, (K)Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman (L)ng Panginoon ang kaniyang bayan.

31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.

32 Datapuwa't (M)alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata;

33 Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.

34 Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak (N)ang pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasa'y inyong nalalamang (O)mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal.

35 Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.

36 Sapagka't kayo'y nangangailangan (P)ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay (Q)magsitanggap kayo ng pangako.

37 Sapagka't (R)sa madaling panahon,
Siyang pumaparito ay (S)darating, at hindi magluluwat.
38 Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay (T)mabubuhay sa pananampalataya:
At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.

39 Nguni't tayo'y hindi doon (U)sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

Juan 6:16-27

16 At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat;

17 At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa (A)Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus.

18 At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip.

19 Nang sila nga'y mangakagaod na ng may (B)dalawangpu't lima o tatlongpung (C)estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan.

20 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot.

21 Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa.

22 Nang kinabukasan ay nakita ng karamihang nakatayo sa (D)kabilang ibayo ng dagat na doo'y walang ibang daong, kundi isa, at hindi lumulan sa daong si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang ang nagsipaglayag

23 (gayon man ay may mga daong na nagsidating na mula sa Tiberias malapit sa dako na kanilang kinainan ng tinapay pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon):

24 Nang makita nga ng karamihan na wala roon si Jesus, ni ang kaniyang mga alagad man, ay nagsilulan sila sa mga daong, at nagsidating sa Capernaum, na hinahanap si Jesus.

25 At nang siya'y kanilang masumpungan sa kabilang ibayo ng dagat, ay kanilang sinabi sa kanila, Rabi, kailan ka dumating dito?

26 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog.

27 Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal (E)sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: (F)sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978