Book of Common Prayer
Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.
16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (A)sa aking mga labi.
5 (B)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (C)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(D)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (E)aking puso.
8 (F)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (G)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (H)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (I)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (J)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (K)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (L)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (M)kasayahan magpakailan man.
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (N)ang karampatan.
3 Iyong sinubok ang aking puso; (O)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(P)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 Ang aking mga hakbang ay (Q)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 (R)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 (S)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
8 (T)Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata,
(U)Ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
9 Sa masama na sumasamsam sa akin,
Sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 (V)Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba:
Sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na (W)may kapalaluan.
11 (X)Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang:
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12 Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli,
At parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13 Bumangon ka, Oh Panginoon,
Harapin mo siya, ilugmok mo siya:
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14 Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon,
Sa mga tao ng sanglibutan, (Y)na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito,
At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan:
Kanilang binubusog ang kanilang mga anak,
At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
15 (Z)Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
(AA)Ako'y masisiyahan (AB)pagka bumangon sa iyong wangis.
Iyak sa pagkahapis at Awit sa pagluwalhati. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Aijeleth-hash-Shahar. Awit ni David.
22 Dios ko, Dios ko, (A)bakit mo ako pinabayaan?
Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng (B)aking pagangal?
2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot:
At sa gabi, at hindi ako tahimik.
3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga (C)pagpuri ng Israel.
4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo:
Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas:
(D)Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
6 Nguni't (E)ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at (F)hinamak ng bayan.
7 (G)Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako:
Inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
8 (H)Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya:
Iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
9 (I)Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata:
Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata:
Ikaw ay aking Dios (J)mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit;
Sapagka't walang tumulong.
12 (K)Niligid ako ng maraming toro;
Mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
13 (L)Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig,
Na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
14 Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad:
(M)Ang aking puso ay parang pagkit;
Natutunaw ito sa loob ko.
15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga;
(N)At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala;
At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso:
Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;
(O)Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto;
Kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 (P)Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila,
At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon:
Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak;
Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
21 (Q)Iligtas mo ako sa bibig ng leon;
Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
22 (R)Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid:
Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
23 (S)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (T)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (U)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (V)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (W)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (X)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (Y)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (Z)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
6 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae,
2 Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y (A)nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.
3 At sinabi ng Panginoon, (B)Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, (C)sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
4 Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.
5 At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, (D)at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
6 (E)At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, (F)at nalumbay sa kaniyang puso.
7 At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.
8 Datapuwa't si Noe ay (G)nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.
12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:
13 Nguni't (A)kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo (B)ng daya ng kasalanan:
14 Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung (C)ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:
15 Samantalang sinasabi,
(D)Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.
16 Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat (E)na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises?
17 At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, (F)na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang?
18 At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway?
19 At (G)nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.
2 At (A)nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa (B)Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus:
2 At inanyayahan din naman si Jesus, at ang (C)kaniyang mga alagad, sa kasalan.
3 At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak.
4 At sinabi sa kaniya ni (D)Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? (E)ang aking oras ay hindi pa dumarating.
5 Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin.
6 Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay (F)alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig.
7 Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi.
8 At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap.
9 At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa't nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake,
10 At sinabi sa kaniya, Ang bawa't tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon.
11 Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, (G)at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
12 Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum, siya, at ang kaniyang ina, (H)at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangatira roong hindi maraming araw.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978