Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 119:1-24' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 12-14' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Mga Hari 3:1-15' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 27:9-26

Dahil mahabang panahon na kaming naglalakbay at mapanganib na ang magpatuloy, sapagkat maging ang pag-aayuno ay nakalampas na, pinayuhan sila ni Pablo. 10 “Mga ginoo,” sabi niya, “sa tingin ko'y mapanganib na ang paglalayag na ito. Maaari na ring mapinsala at manganib, hindi lamang ang kargamento at ang barko, kundi pati na rin ang ating mga buhay.” 11 Ngunit pinaniwalaan ng senturyon ang kapitan at ang may-ari ng barko sa halip na ang mga payo ni Pablo. 12 Sapagkat hindi mabuting hintuan sa taglamig ang daungan, minabuti ng marami na magpatuloy sa paglalakbay, sa pagbabaka-sakaling makarating sila sa Fenix at magpalipas ng taglamig doon. Ito ay daungan ng Creta na nasa dakong hilagang-silangan at timog-silangan.

Bumagyo sa Dagat

13 Nang banayad na umihip ang hanging habagat, inakala nilang maaari na silang maglayag; kaya itinaas nila ang angkla at namaybay sa baybayin ng Creta. 14 Subalit hindi nagtagal at humagunot ang isang bagyo na tinatawag na Euraclidon. 15 Hinampas nito ang barko, at dahil hindi na kami makasalungat, nagpatangay na lamang kami sa hangin. 16 Namaybay kami sa ligtas na bahagi ng isang maliit na pulo na tinatawag na Cauda, at doo'y naisampa namin ang bangkang nakasabit sa barko, bagama't nahirapan kaming gawin iyon. 17 Nang maisampa na ito, gumawa sila ng paraan upang matalian ng lubid ang barko. Dahil sa takot na baka sila sumadsad sa dakong buhanginan ng Sirte, ibinaba nila ang mga layag at sa gayo'y nagpaanod na lamang. 18 Nagpatuloy ang malakas na bagyo sa paghampas sa amin, kaya't kinabukasa'y nagsimula silang magtapon ng mga kargamento sa dagat. 19 At nang sumunod na araw pa ay itinapon na rin nila ang mga kagamitan ng barko. 20 Matagal na di namin nakita ang araw at ang mga bituin, at patuloy pa rin ang malakas na bagyo sa paghampas sa amin, kaya't nawala na ang lahat ng aming pag-asang makaligtas.

21 Nang matagal na silang hindi kumakain, tumayo si Pablo sa gitna nila at nagsalita, “Mga ginoo, kung nakinig sana kayo sa akin at hindi tayo umalis sa Creta, naiwasan sana natin ang pinsala at kapahamakang ito. 22 Ngayon ito ang payo ko: lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang mapapahamak isa man sa inyo kundi ang barko. 23 Sapagkat nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na may-ari sa akin at aking pinaglilingkuran. 24 Sinabi ng anghel sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo. Kailangan mong humarap sa Emperador. Ipinagkaloob ng Diyos sa iyo na iligtas niya ang mga kasama mong naglalakbay.’ 25 Kaya tibayan ninyo ang inyong loob, mga ginoo, sapagkat sumasampalataya ako sa Diyos na mangyayari ang lahat ng sinabi niya sa akin. 26 Subalit kailangang tayo'y mapadpad sa isang pulo.”

Marcos 14:1-11

Balak Patayin si Jesus(A)

14 Dalawang (B) araw na lamang bago ang Paskuwa at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Patuloy na naghanap ng paraan ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kung paano palihim na maipadadakip si Jesus at maipapatay. Sinabi nila, “Huwag sa panahon ng pista at baka magkagulo ang mga tao.”

Binuhusan ng Pabango si Jesus(C)

Samantalang (D) nasa Betania si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakaupo siya sa may hapag-kainan ay dumating ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng pabango. Mamahalin ang pabangong ito na mula sa katas ng purong nardo. Binasag ng babae ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus. Ngunit may ilan doong galit na nagsabi sa isa't isa, “Bakit sinayang nang ganyan ang pabango? Maaari sanang ipagbili ang pabangong iyan ng higit sa tatlong daang denaryo[a] at ipamigay sa mga dukha ang pinagbilhan!” At kanilang pinagalitan ang babae. Ngunit sinabi ni Jesus, “Bakit ninyo siya ginugulo? Hayaan ninyo siya! Isang mabuting bagay ang ginawa niya sa akin. Lagi (E) ninyong kasama ang mga dukha, at kapag nais ninyo, maaari ninyo silang gawan ng mabuti! Ngunit ako'y hindi ninyo laging makakasama. Ginawa niya ang kanyang makakaya. Binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa aking libing. Tinitiyak ko sa inyo, saanman ipangaral ang ebanghelyo sa buong sanlibutan, sasabihin ang ginawa ng babaing ito bilang pag-alaala sa kanya.”

Pumayag si Judas na Ipagkanulo si Jesus(F)

10 Pagkatapos, si Judas Iscariote, isa sa labindalawa, ay nagpunta sa mga punong pari upang ipagkanulo si Jesus sa kanila. 11 Natuwa ang mga punong pari nang marinig ito at nangakong bibigyan siya ng salapi. Mula noo'y naghanap na siya ng pagkakataong maipagkanulo si Jesus.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.