Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 1-4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Mga Hari 1:5-31' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 26:1-23

Ang Pagtatanggol ni Pablo sa Harapan ni Agripa

26 Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita para sa iyong sarili.” Iniunat ni Pablo ang kanyang kamay at sinimulan ang kanyang pagtatanggol: “Haring Agripa, itinuturing kong mapalad ako na gagawin ko sa inyong harapan ang pagtatanggol na ito laban sa mga paratang sa akin ng mga Judio, sapagkat bihasa kayo sa lahat ng mga kaugalian at mga usapin ng mga Judio, kaya ipinapakiusap ko sa inyo na matiyaga ninyo akong pakinggan. “Nalalaman ng lahat ng mga Judio ang aking pamumuhay mula sa aking pagkabata sa aking sariling bayan at sa Jerusalem. Alam (A) nila mula pa nang una, kung handa silang magpatunay, na namuhay ako bilang Fariseo, ang pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon. At ngayo'y nakatayo ako rito upang litisin dahil sa aking pag-asa sa pangakong binitawan ng Diyos sa aming mga ninuno. Ito ang pangakong inaasahang matamo ng aming labindalawang lipi kaya't sila'y masigasig na naglilingkod sa Diyos gabi at araw. At dahil sa pag-asang ito, O Haring Agripa, ako'y isinasakdal ng mga Judio! Bakit hindi makapaniwala ang sinuman sa inyo na binubuhay muli ng Diyos ang mga patay? Ako (B) man ay nag-akala noong una na marami akong dapat gawin laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazareth. 10 At iyan nga ang aking ginawa sa Jerusalem. Batay sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng mga punong pari, hindi ko lamang ikinulong sa mga bilangguan ang marami sa mga hinirang, kundi sumang-ayon pa ako nang sila'y ipapatay. 11 Madalas kong ginagalugad ang mga sinagoga, at sinuman sa kanila ang abutan ko roon ay aking pinarurusahan at pinipilit ko silang lumapastangan. Sa tindi ng galit ko sa kanila'y pinag-usig ko sila maging sa mga lungsod sa ibang lupain.

Ang Salaysay ni Pablo tungkol sa Kanyang Pagbabagong-loob(C)

12 “Sa layuning ito, ako'y naglakbay patungo sa Damasco taglay ang kapangyarihan at pahintulot ng mga punong pari. 13 Nang katanghalian, habang kami ay nasa daan, nakita ko, Haring Agripa, ang isang liwanag mula sa langit na mas maliwanag pa kaysa araw. Nagningning ang liwanag sa palibot ko at ng aking mga kasamahan. 14 Bumagsak kaming lahat sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Masasaktan ka sa pagsipa mo sa tulis.’ 15 At itinanong ko, ‘Sino po ba kayo, Panginoon?’ At kanyang sinabi, ‘Ako si Jesus na iyong inuusig. 16 Ngayo'y bumangon ka at tumindig. Nagpakita ako sa iyo sapagkat itinalaga kitang maging lingkod at maging saksi sa mga nakita mo sa akin at sa mga ipapakita ko pa sa iyo. 17 Ililigtas kita sa mga kababayan mo at sa mga Hentil, na sa kanila ay isinusugo kita, 18 upang buksan mo ang kanilang mga mata, ibalik sila mula sa kadiliman tungo sa liwanag, mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Diyos, upang tumanggap sila ng kapatawaran ng mga kasalanan at mapabilang sa piling ng mga ginawang banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.’

Ang Patotoo ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod

19 “Pagkalipas noon, O Haring Agripa, hindi ako naging suwail sa pangitain mula sa langit. 20 Nangaral ako, (D) una sa Damasco, pagkatapos ay sa Jerusalem, at sa buong lupain ng Judea, gayundin sa mga Hentil. Ipinangaral kong dapat nilang talikuran ang kanilang kasalanan at magbalik-loob sa Diyos at patunayan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ang kanilang pagsisisi. 21 Dahil dito, dinakip ako ng mga Judio sa Templo at pinagsikapang ako'y patayin. 22 Hanggang ngayon ay hindi ako pinababayaan ng Diyos. Kaya't nakatayo ako ngayon sa inyong harapan at nagpapatotoo sa lahat ng tao maging dakila o hamak. Wala akong itinuturo kundi ang mangyayari na sinabi ng mga propeta at ni Moises: 23 na (E) ang Cristo ay dapat magdusa, at bilang unang muling nabuhay mula sa kamatayan, ay ihayag ang liwanag sa Judio at sa mga Hentil.”

Marcos 13:14-27

Ang Matinding Kapighatian(A)

14 “Ngunit (B) kapag nakita na ninyo ang karumal-dumal na paglapastangan na nakatayo sa dakong hindi niya dapat kalagyan (unawain ito ng bumabasa), dapat nang tumakas ang mga nasa Judea patungo sa kabundukan. 15 Ang (C) nasa ibabaw ng bahay ay huwag nang bumaba o pumasok ng bahay upang kumuha ng anuman. 16 Ang nasa bukirin ay huwag nang bumalik upang kunin ang kanyang balabal. 17 Kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso sa mga araw na iyon. 18 Ipanalangin ninyo na huwag itong mangyari sa taglamig. 19 Sapagkat (D)magkakaroon sa mga araw na iyon ng kapighatiang walang kapantay, na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, at wala nang mararanasang tulad nito kailanman. 20 Malibang paikliin ng Panginoon ang araw na iyon ay walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na kanyang tinawag, pinaikli niya ang mga araw na iyon. 21 Kung may magsabi sa inyo, ‘Tingnan ninyo! Narito ang Cristo!’ o kaya'y, ‘Tingnan ninyo! Naroon siya!’ huwag kayong maniwala. 22 Sapagkat lilitaw ang mga huwad na Cristo at ang mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga himala at mga kababalaghan upang kung maaari'y mailigaw nila ang mga hinirang. 23 Kaya mag-ingat kayo! Sinabi ko na sa inyo ang lahat bago pa ito mangyari.

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(E)

24 “Ngunit (F) pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw at hindi magliliwanag ang buwan, 25 at (G) malalaglag ang mga bituin mula sa kalangitan, at mayayanig ang mga panlangit na kapangyarihan. 26 At (H) ang Anak ng Tao ay makikitang dumarating na nasa ulap, may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 At pagkatapos ay isusugo niya ang kanyang mga anghel at titipunin ang kanyang mga hinirang mula sa apat na sulok, mula sa dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.