Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 107:33-108:13' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 33 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '2 Samuel 16 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 22:17-29

Isinugo si Pablo sa mga Hentil

17 “Pagbalik ko sa Jerusalem, habang ako'y nananalangin sa templo ay nagkaroon ako ng pangitain. 18 Nakita ko ang Panginoon na nagsasabi sa akin, ‘Magmadali ka at umalis agad sa Jerusalem, sapagkat hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo tungkol sa akin.’ 19 At aking sinabi, ‘Panginoon, sila mismo ang nakaaalam na sa bawat sinagoga ay ibinilanggo ko at hinampas ang mga sumampalataya sa iyo. 20 Nang (A) patayin si Esteban na iyong saksi, ako mismo ay nakatayo sa malapit at sumang-ayon pa sa ginawa nila. Ako pa nga ang nagbantay sa mga damit ng mga pumatay sa kanya.’ 21 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Humayo ka, sapagkat susuguin kita sa malayo, sa mga Hentil.’ ”

Si Pablo at ang Opisyal na Romano

22 Pinakinggan siya ng mga tao hanggang sa sandaling ito. Ngunit pagkatapos ay sumigaw sila, “Alisin sa mundo ang ganyang uri ng tao! Hindi siya dapat mabuhay!” 23 Habang nagpapatuloy sila sa pagsisigawan, sa paghahagis ng kanilang mga damit, at pagsasabog ng alikabok sa hangin, 24 ipinag-utos ng kapitan na ipasok si Pablo sa himpilan at ipahagupit habang sinisiyasat upang malaman niya kung bakit ganoon na lamang ang sigawan ng mga tao laban sa kanya. 25 Ngunit nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling-balat, sinabi ni Pablo sa senturyong nakatayo sa malapit, “Ayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang mamamayang Romano, kahit wala pang hatol ang hukuman?” 26 Nang marinig iyon ng senturyon, pumunta siya sa kapitan at sinabi, “Paano ito? Ang taong ito ay mamamayang Romano!” 27 Lumapit ang kapitan at tinanong si Pablo, “Sabihin mo sa akin, ikaw ba'y mamamayang Romano?” At sinabi niya, “Opo.” 28 Sumagot ang kapitan, “Malaki ang nagastos ko upang maging mamamayang Romano.” Sumagot si Pablo, “Ngunit ako'y isinilang na mamamayang Romano.” 29 Kaya't agad na lumayo sa kanya ang mga magsisiyasat sa kanya. Natakot din ang kapitan sapagkat ipinagapos niya si Pablo, gayong ito pala ay isang Romano.

Marcos 11:1-11

Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(A)

11 Nang papalapit na sila sa Betfage at Betania, sa Jerusalem, sa may malapit sa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok doon ay makikita ninyo ang isang nakataling bisirong asno, hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. Kapag may nagtanong sa inyo kung bakit ginagawa ninyo iyon sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon at ibabalik din agad.’ ” Lumakad ang dalawang alagad at may nakita nga silang bisirong asno sa tabi ng daan. Nakatali ito sa may pintuan. Nang kinakalagan na nila ito, tinanong sila ng ilang nakatayo roon, “Ano ang ginagawa ninyo at kinakalagan ninyo ang bisiro?” Sumagot sila gaya ng bilin ni Jesus, at hinayaan na sila ng mga ito. Dinala nila kay Jesus ang bisirong asno. Matapos nilang isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, sumakay dito si Jesus. Maraming tao ang naglatag ng kanilang balabal sa daan, samantalang ang iba'y naglatag ng mga madahong sanga na kanilang pinutol mula sa bukid. Ang (B) mga tao naman sa unahan at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw,

“Hosanna! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! 10 Pinagpala ang dumarating na kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”

11 Nang makapasok na si Jesus sa Jerusalem, nagtungo siya sa templo at pinagmasdan ang buong paligid niyon. Dahil gumagabi na, lumabas siya at pumunta sa Betania kasama ang labindalawa.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.