Book of Common Prayer
Mga Babala at mga Pagbati
13 Ito (A) ang ikatlong pagpunta ko sa inyo. “Ang bawat paratang ay dapat pagtibayin batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi.” 2 Noong nariyan ako sa ikalawa kong pagdalaw, binalaan ko ang mga dati nang nagkasala at lahat ng iba pa. Ngayong ako'y wala diyan sa inyo ay muli akong nagbababala, na sa muli kong pagdating, sila'y hindi makaliligtas sa parusang igagawad ko, 3 yamang naghahanap kayo ng patunay na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina sa pakikitungo sa inyo, kundi kumikilos na may kapangyarihan sa inyo. 4 Sapagkat siya'y ipinako sa krus noong siya'y mahina, ngunit siya'y nabubuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Kami man ay mahihina dahil sa kanya, ngunit dahil sa aming pakikitungo sa inyo ay mabubuhay kami kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
5 Suriin ninyo ang inyong mga sarili, kung kayo'y nasa pananampalataya. Subukin ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ba ninyo nababatid na si Jesu-Cristo ay nasa inyo—maliban na lamang kung kayo'y hindi nagtagumpay sa pagsubok. 6 At ako'y umaasa na inyong mauunawaan na kami ay hindi bumagsak sa pagsubok. 7 Dalangin namin sa Diyos na huwag sana kayong gumawa ng masama, hindi upang kami'y magmistulang nagtagumpay sa pagsubok, kundi upang magawa ninyo kung ano ang tama, bagaman kami ay magmistulang mga bumagsak sa pagsubok. 8 Sapagkat wala kaming magagawang anuman laban sa katotohanan, kundi tanging para sa katotohanan. 9 Natutuwa kami kung kami'y mahihina ngunit kayo nama'y malalakas. Idinadalangin nga namin ang inyong pag-unlad. 10 Kaya't isinusulat ko ang mga bagay na ito habang ako'y wala pa sa inyo, upang pagpunta ko sa inyo ay hindi ko na kailangang maging mabagsik sa paggamit ko ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng Panginoon upang patatagin kayo, at hindi upang wasakin.
11 At ngayon, mga kapatid, kagalakan ang sumainyo. Magpatuloy kayo sa paglago. Maging masigla kayo. Magkasundo kayo. Mamuhay kayo nang may kapayapaan at mapapasainyo ang Diyos ng pag-ibig at ng kapayapaan.
25 Kabilang sa naroon ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo. 26 Maraming hirap na ang kanyang dinanas dahil sa maraming manggagamot. Naubos na niya ang kanyang ari-arian sa pagpapagamot. Ngunit sa halip na gumaling, lalo pang lumala ang kanyang karamdaman. 27 Nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nakipagsiksikan siya sa karamihan hanggang makalapit sa kanyang likuran, at hinawakan ang damit nito. 28 Ganito ang nasa isip niya, “Tiyak na gagaling ako mahawakan ko lang ang kanyang damit.” 29 Noon di'y tumigil ang kanyang pagdurugo, at naramdaman niya sa kanyang katawan na magaling na siya. 30 Naramdaman naman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya't lumingon siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang humawak sa damit ko?” 31 Sumagot ang kanyang mga alagad, “Nakikita po ninyong sinisiksik kayo ng maraming tao, bakit ninyo itatanong kung sino ang humawak sa inyo?” 32 Subalit tumingin pa rin siya sa buong paligid upang makita kung sino ang humawak sa kanya. 33 Dahil alam ng babae ang nangyari sa kanya, nanginginig siya sa takot na lumapit kay Jesus, nagpatirapa sa harap niya, at ipinagtapat ang buong katotohanan. 34 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Lumakad kang payapa. Tapos na ang iyong pagdurusa. Magaling ka na.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.