Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 75-76' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 23 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 27 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Hukom 5:19-31' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 2:22-36

22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Jesus na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo. 23 Sa mula't mula pa'y alam na at ipinasya na ng Diyos na ibigay sa inyo si Jesus. At ipinako ninyo siya sa krus at ipinapatay sa mga makasalanan. 24 Subalit ang Diyos ang muling bumuhay sa kanya, at nagpalaya sa kanya mula sa pagdurusa ng kamatayan, dahil wala naman itong kakayahang maghari sa kanya. 25 Gaya nga ng sinabi ni David tungkol sa kanya:

‘Noon pa'y nakita kong lagi kong kapiling ang Panginoon;
    Siya'y kasama ko[a] kaya't hindi ako matitinag.
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso at sa dila ko'y nag-umapaw ang tuwa,
    at ang aking katawan ay mabubuhay sa pag-asa.
27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y hindi mo hahayaan sa kamatayan[b];
    o ipahihintulot man lang na ang iyong Banal ay makaranas ng kabulukan.
28 Ipinakita mo sa akin ang mga daan ng buhay,
    at sa piling mo'y mapupuno ako ng kagalakan.’

29 Mga kapatid, buong katiyakang sasabihin ko sa inyo na ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing. At ang libingan niya'y nasa atin hanggang ngayon. 30 Palibhasa'y propeta si David noong nabubuhay pa, nalalaman niya ang taimtim na pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa mula sa kanyang angkan. 31 Nakita na at ipinahayag na ni David na muling bubuhayin ng Diyos ang Cristo nang kanyang sabihin:

    ‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; ni ang katawan niya'y makaranas ng kabulukan.’

32 Ngayon, kaming lahat ay mga saksi na ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos. 33 Dahil iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Banal na Espiritu, nakikita at naririnig ninyo ito na ibinuhos sa amin ngayon. 34 Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, subalit sinabi niya: Ang Panginoon ang nagsabi sa aking Panginoon: ‘Maupo ka sa aking kanan, 35 hanggang mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.’ 36 Kaya't dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Jesus na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ng Diyos na Panginoon at Cristo.”

Mateo 28:11-20

Nag-ulat ang mga Bantay

11 Habang papaalis ang mga babae, ang ilan sa mga bantay ay pumasok sa lungsod at kanilang ibinalita sa mga punong pari ang lahat ng mga nangyari. 12 Pagkatapos nilang makipagpulong sa matatandang pinuno at nagkasundo sa balakin, nagbigay sila ng malaking halaga sa mga kawal. 13 Sinabi nila, “Sabihin ninyo, ‘Dumating kagabi ang kanyang mga alagad at siya'y kanilang ninakaw habang kami'y natutulog.’ 14 Kung sakaling mabalitaan ito ng gobernador, kami na ang magpapaliwanag sa kanya, at ilalayo namin kayo sa gulo.” 15 Tinanggap nila ang salapi at ginawa nila ang ipinagbilin sa kanila. At ang ulat na ito ay kumalat sa mga Judio hanggang sa araw na ito.

Sinugo ni Jesus ang mga Alagad(A)

16 Samantala, (B) ang labing-isang alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na ipinagbilin sa kanila ni Jesus. 17 At nang siya'y kanilang makita, sila'y sumamba sa kanya. Ngunit ang iba ay nag-alinlangan. 18 Paglapit ni Jesus ay sinabi niya sa kanila, “Naibigay na sa akin ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa. 19 Kaya't (C) sa inyong paghayo ay gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu, 20 at tinuturuan silang gumanap sa lahat ng mga bagay na ipinagbilin ko sa inyo. At tandaan ninyo, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.”[a][b]

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.