Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 118

Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.

118 Oh mangagpasalamat kayo (A)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(C)Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako (D)sa maluwag na dako.
(E)Ang Panginoon ay kakampi ko; (F)hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
(G)Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
(H)Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
(I)Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y (J)nangamatay na parang (K)apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ay (L)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (M)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (N)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (O)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (P)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (Q)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(R)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (S)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (T)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (U)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (V)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (W)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Mga Awit 145

Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (A)Awit na pagpuri; ni David.

145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
(B)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (C)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
(D)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
(E)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
(F)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (G)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(H)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (I)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (J)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (K)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (L)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (M)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (N)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (O)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (P)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(Q)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

Zacarias 9:9-16

Ang mapagpakumbabang hari ng Sion at malawak na kaharian.

(A)Magalak kang mainam, (B)Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: (C)narito, ang (D)iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; (E)mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.

10 At (F)aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng (G)kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging (H)sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.

11 Tungkol sa iyo naman, dahil (I)sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.

12 Mangagbalik kayo sa katibayan, kayong mga (J)bilanggo na may pag-asa, ngayo'y aking (K)inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa.

13 Sapagka't aking binaluktot ang Juda para sa akin, aking inakmaan ang Ephraim ng busog; at aking gigisingin ang iyong mga anak, Oh Sion, laban sa iyong mga anak, (L)Oh Grecia, at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake.

14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang (M)Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon (N)na kasama ng mga ipoipo sa timugan.

15 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga (O)taza, parang mga sulok ng dambana.

16 At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios (P)sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan; sapagka't (Q) magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa (R)kaniyang lupain.

1 Pedro 3:13-22

13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?

14 Datapuwa't (A)kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran (B)ay mapapalad kayo: at (C)huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o (D)huwag kayong mangagulo;

15 Kundi (E)inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: (F)na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa (G)kaamuan at (H)takot:

16 Na taglay (I)ang mabuting budhi; (J)upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang (K)nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng (L)pamumuhay kay Cristo.

17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.

18 Sapagka't si Cristo man ay (M)nagbata ring (N)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (O)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (P)sa laman, nguni't (Q)binuhay (R)sa espiritu;

19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at (S)nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

20 Na nang unang panahon ay mga suwail, (T)na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang (U)inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

21 Na ayon sa tunay (V)na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y (W)ang bautismo, hindi sa pagaalis (X)ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng (Y)isang mabuting budhi sa Dios, (Z)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na (AA)ipinasakop (AB)sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.

Mateo 21:1-13

21 At (A)nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad,

Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka'y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin.

At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila.

(B)Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion:
(C)Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo,
Na maamo, at nakasakay sa isang asno,
At sa isang batang asno na anak ng babaing asno.

At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila,

At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya'y sumakay.

At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan.

At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: (D)Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan.

10 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang (E)buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito?

11 At sinabi ng mga karamihan, Ito'y (F)ang propeta, Jesus, na taga (G)Nazaret ng Galilea.

12 At pumasok si Jesus (H)sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga (I)kalapati;

13 At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, (J)Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, (K)datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978