Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 101

Awit ni David.

101 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:
Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:
Oh kailan ka pasasa akin?
Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na (A)may sakdal na puso.
Hindi ako maglalagay (B)ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:
(C)Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:
Hindi kakapit sa akin.
(D)Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:
(E)Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa (F)ay aking ibubuwal:
Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:
Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:
Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;
Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan (G)sa bayan ng Panginoon.

Mga Awit 109:1-30

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

109 Huwag kang mapayapa, (A)Oh Dios na aking kapurihan;
Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin (B)ng walang kadahilanan.
Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
(C)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (D)kaaway sa kaniyang kanan.
(E)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (F)kaniyang dalangin.
(G)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
(H)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (I)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (J)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (K)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (L)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (M)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang (N)dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 (O)Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 (P)Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, (Q)alang-alang sa iyong pangalan:
(R)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23 Ako'y yumayaong (S)gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24 Ang aking mga (T)tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25 Ako nama'y naging (U)kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang (V)pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 (W)Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay (X)magagalak.
29 (Y)Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin (Z)siya sa gitna ng karamihan.

Mga Awit 119:121-144

AIN.

121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (A)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (B)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (C)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (D)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

PE.

129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas;
Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130 (E)Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag;
(F)Nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga;
Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin,
Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133 (G)Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang (H)anomang kasamaan.
134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135 (I)Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod;
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga (J)ilog ng tubig;
Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.

TZADDI.

137 (K)Matuwid ka, Oh Panginoon,
At matuwid ang mga kahatulan mo.
138 Iniutos mo ang (L)mga patotoo mo sa katuwiran
At totoong may pagtatapat.
139 Tinunaw ako ng (M)aking sikap,
Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140 Ang salita mo'y (N)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ako'y maliit at hinahamak:
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran,
At ang kautusan mo'y (O)katotohanan.
143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin:
Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man:
(P)Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.

Malakias 1:1

Ang pagibig ng Panginoon sa Jacob.

(A)Ang hula na salita ng Panginoon sa (B)Israel sa pamamagitan ni Malakias.

Malakias 1:6-14

Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, (A)Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?

Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na (B)hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak.

At (C)pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa (D)iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang (E)lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; (F)ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

10 Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog (G)sa inyong kamay.

11 Sapagka't (H)mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, (I)magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; (J)at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: (K)sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay (L)nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.

13 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang (M)pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: (N)tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.

14 Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang (O)lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon (P)ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.

Santiago 3:13-4:12

13 Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting (A)kabuhayan ang (B)kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.

14 Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.

15 Hindi (C)ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, (D)sa laman, sa diablo.

16 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.

17 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, (E)banayad, madaling panaingan, (F)puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, (G)walang inaayunan, (H)walang pagpapaimbabaw.

18 At ang bunga ng katuwiran (I)ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.

Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga (J)kalayawan (K)na bumabaka sa inyong mga sangkap?

Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: (L)kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi.

Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, (M)sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.

Kayong (N)mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na (O)ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? (P)Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.

O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang (Q)Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?

Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang (R)Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at (S)dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga (T)may dalawang akala.

Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.

10 Mangagpakababa kayo (U)sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.

11 (V)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (W)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (X)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.

12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (Y)makapagwawasak: datapuwa't (Z)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?

Lucas 17:11-19

11 At nangyari, na (A)samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng (B)Samaria at (C)Galilea.

12 At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, (D)na nagsitigil sa malayo:

13 At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin.

14 At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, (E)Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila.

15 At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;

16 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano.

17 At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam?

18 Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?

19 At sinabi niya sa kaniya, (F)Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978