Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.
66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
2 Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
3 Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
4 Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
5 (C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
6 (D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
7 Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
8 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
9 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.
67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(O)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
2 (P)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (Q)sa lahat ng mga bansa.
3 (R)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
6 Isinibol (S)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
7 Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (T)mangatatakot sa kaniya.
Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
19 Ang (A)kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
(B)At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3 Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 (C)Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
(D)At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang (E)patotoo ng Panginoon ay tunay, (F)na nagpapapantas sa hangal.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
(G)Ang utos ng Panginoon ay dalisay, (H)na nagpapaliwanag ng mga mata.
9 Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 (I)Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
(J)Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
(K)Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12 Sinong makasisiyasat (L)ng kaniyang mga kamalian?
(M)Paliwanagan mo ako (N)sa mga kubling kamalian.
13 (O)Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
(P)Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 (Q)Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking (R)manunubos.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.
46 Ang Dios ay (A)ating ampunan at kalakasan,
(B)Handang saklolo sa kabagabagan.
2 Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
4 (C)May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya (D)sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
5 (E)Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
6 Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
7 (F)Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
8 Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
9 (G)Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
(H)Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
11 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.
Ang Caldea ay itinaas upang parusahan ang Juda.
1 (A)Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta.
2 Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas.
3 Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon.
4 Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't (B)kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko.
5 Mangagmasid kayo (C)sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo.
6 Sapagka't narito, aking itinitindig ang mga Caldeo, yaong makapangingilabot at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila.
7 Sila'y kakilakilabot at nangakatatakot; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili.
8 Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo, at mababangis kay sa lobo sa gabi; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan: oo, ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo; sila'y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal.
9 Sila'y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan; at sila'y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin.
10 Oo, siya'y nanunuya sa mga hari, at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya; kaniyang kinukutya ang bawa't katibayan; sapagka't nagbubunton siya ng alabok, at sinasakop.
11 Kung magkagayo'y lalampas siya na parang hangin, at magdaraan, at magiging salarin, sa makatuwid baga'y (D)siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios.
Ang pakikipagsagutan ni Habacuc.
12 (E)Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? (F)kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya (G)ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway.
13 Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan, at hindi ka makatitingin sa kasamaan, bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo, at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya;
14 At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat, parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila?
15 Kaniyang binubuhat ng (H)bingwit silang lahat, kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala, at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat: kaya't siya'y nagagalak at siya'y masaya.
16 (I)Kaya't siya'y naghahain sa kaniyang lambat, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat; sapagka't sa pamamagitan ng mga yao'y ang kaniyang bahagi ay mataba, at ang kaniyang pagkain ay sagana.
17 Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat, at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa.
Ang kaabaaba ay sinalita sa Caldea.
2 Ako'y tatayo sa (J)aking bantayan, at lalagay ako sa moog, at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin, at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing.
13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (A)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (B)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,
14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (C)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.
15 Kaya nga, kung ilan tayong (D)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:
16 (E)Lamang, ay magsilakad tayo (F)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.
17 Mga kapatid, (G)kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin.
18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (H)kaaway ng krus ni Cristo:
19 (I)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (J)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (K)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (L)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.
20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (M)ay nasa langit; mula doon ay (N)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
21 Na (O)siyang magbabago (P)ng katawan ng ating pagkamababa, (Q)upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, (R)ayon sa paggawa na (S)maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.
4 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at (T)pinananabikan, aking (U)katuwaan at putong, (V)magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko.
13 Datapuwa't (A)sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.[a] (B)
15 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong (C)makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.
16 Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, (D)Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya.
17 Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, (E)o ang templong bumabanal sa ginto?
18 At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.
19 Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o (F)ang dambana na bumabanal sa handog?
20 Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito.
21 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at (G)yaong tumatahan sa loob nito.
22 Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.
23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong (H)pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.
24 Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978