Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 89

Masquil ni (A)Ethan na Azrahita.

89 Aking aawitin ang (B)kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man:
Aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man:
Ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
Ako'y nakipagtipan sa aking hirang,
(C)Aking isinumpa kay David na aking lingkod;
Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man,
At aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng (D)sali't saling lahi. (Selah)
At (E)pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon;
Ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng (F)mga banal.
Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon?
Sino sa gitna (G)ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal,
At kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
(H)Sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH?
At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
(I)Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat:
Pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
10 (J)Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay;
Iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
11 Ang langit ay (K)iyo, ang lupa ay iyo rin:
Ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong (L)itinatag,
12 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha;
Ang (M)Tabor at ang (N)Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig:
Malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
14 (O)Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan:
(P)Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
15 Mapalad (Q)ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog:
Sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw:
At sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
17 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan:
At sa iyong lingap ay matataas ang (R)aming sungay.
18 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon;
At ang aming hari ay (S)sa Banal ng Israel.
19 (T)Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal,
At iyong sinabi, Aking (U)ipinagkatiwala ang saklolo sa isang (V)makapangyarihan;
Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
20 (W)Aking nasumpungan si David na aking lingkod;
Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
21 Na siyang itatatag ng aking kamay;
Palakasin naman siya ng aking bisig.
22 (X)Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway;
Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya,
At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
24 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya;
At sa pangalan ko'y (Y)matataas ang kaniyang sungay.
25 (Z)Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat,
At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
26 Siya'y dadaing sa akin, (AA)Ikaw ay Ama ko,
Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
27 Akin namang gagawin siyang (AB)panganay ko,
Na pinakamataas (AC)sa mga hari sa lupa.
28 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man,
At ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man,
At ang luklukan niya'y (AD)parang mga araw ng langit.
30 (AE)Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko,
At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko,
At hindi ingatan ang mga utos ko;
32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang,
At ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
33 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya,
Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain,
Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
35 Minsan ay sumampa ako (AF)sa pamamagitan ng aking kabanalan.
Hindi ako magbubulaan kay David;
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;
At ang kaniyang luklukan ay (AG)parang araw sa harap ko.
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan,
At tapat na (AH)saksi sa langit. (Selah)
38 Nguni't iyong (AI)itinakuwil at tinanggihan,
Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod:
(AJ)Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
40 (AK)Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod:
Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya.
(AL)Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway;
Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak,
At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan.
At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
45 (AM)Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan:
Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
46 (AN)Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man?
Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
47 (AO)Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon:
Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan,
Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob,
(AP)Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
50 (AQ)Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod;
Kung paanong taglay ko (AR)sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon,
Na kanilang idinusta sa (AS)mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
52 (AT)Purihin ang Panginoon, magpakailan man.
Siya nawa, at Siya nawa.

Habacuc 2:1-4

Ang kaabaaba ay sinalita sa Caldea.

Ako'y tatayo sa (A)aking bantayan, at lalagay ako sa moog, at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin, at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing.

At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, (B)Isulat mo ang pangitain, at (C)iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon.

Sapagka't ang (D)pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang (E)darating, hindi magtatagal.

Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't (F)ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.

Habacuc 2:9-20

Sa aba niya na (A)nagiimpok ng masamang pakinabang para sa kaniyang sangbahayan, upang kaniyang mailagay ang pugad niya sa itaas, upang siya'y maligtas sa kamay ng kasamaan!

10 Ikaw ay naghaka ng ikahihiya ng iyong sangbahayan, sa paghihiwalay ng maraming tao, at ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili.

11 Sapagka't ang bato ay dadaing mula sa pader, at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot.

12 Sa aba niya na nagtatayo ng bayan (B)sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!

13 Narito, hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na (C)ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy, at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan?

14 Sapagka't ang lupa ay mapupuno ng (D)kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat.

15 Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa, na idinadagdag mo ang iyong kamandag, at nilalasing mo rin naman siya, upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran!

16 Ikaw ay puno ng kahihiyan, at hindi ng kaluwalhatian: uminom ka naman, at maging gaya ng isang hindi tuli; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo, at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian.

17 Sapagka't ang pangdadahas na ginawa sa (E)Libano ay tatakip sa iyo, at ang panggigiba sa mga hayop na nakatakot sa kanila; dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa pangdadahas na ginawa sa lupain, sa bayan, at sa lahat na nagsisitahan doon.

18 (F)Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?

19 Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.

20 Nguni't ang Panginoo'y (G)nasa kaniyang banal na (H)templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya.

Santiago 2:14-26

14 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?

15 Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,

16 At (A)ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, kayo'y mangagpainit at mangagpakabusog; at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito?

17 Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.

18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking (B)pananampalataya.

19 (C)Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: (D)ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig.

20 Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na (E)walang mga gawa ay baog?

21 Hindi baga ang ating amang si (F)Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana?

22 Nakikita mo (G)na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;

23 At natupad (H)ang kasulatan na nagsasabi, At si (I)Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na (J)kaibigan ng Dios.

24 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

25 At gayon din naman hindi rin baga si (K)Rahab na patutot ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa tinanggap niya ang mga sugo, at kaniyang pinapagdaan sila sa ibang daan?

26 Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.

Lucas 16:19-31

19 Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:

20 At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,

21 At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.

22 At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng (A)mga anghel sa (B)sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.

23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.

24 At siya'y sumigaw at sinabi, (C)Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't (D)naghihirap ako sa alab na ito.

25 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, (E)alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.

26 At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.

27 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama;

28 Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang (F)sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.

29 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila (G)si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.

30 At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi.

31 At sinabi niya sa kaniya, (H)Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay (I)di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978