Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:97-120

MEM.

97 (A)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (B)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(C)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (D)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (E)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (F)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

NUN.

105 (G)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (H)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(I)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (J)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (K)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (L)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (M)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (N)hanggang sa wakas.

SAMECH.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (O)kublihan kong dako at (P)kalasag ko:
Ako'y umaasa (Q)sa iyong salita.
115 (R)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(S)At huwag mo akong hiyain (T)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (U)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(V)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (W)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

Mga Awit 81-82

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.

81 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
(A)Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
Magsihihip kayo ng (B)pakakak (C)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel,
Ayos ng Dios ni Jacob.
Kaniyang inilagay na pinakapatotoo (D)sa Jose,
(E)Nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto:
(F)Na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
(G)Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan:
Ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
Ikaw ay tumawag (H)sa kabagabagan, at iniligtas kita;
(I)Sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
(J)Sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo:
Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
(K)Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo;
At hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
10 (L)Ako ang Panginoon mong Dios,
Na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto:
(M)Bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
11 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko;
At (N)hindi ako sinunod ng Israel.
12 (O)Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso,
Upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
13 (P)Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan,
Kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway,
At ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
15 (Q)Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya:
Nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
16 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo:
(R)At ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.

Awit ni Asaph.

82 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At (S)magsisigalang sa mga pagkatao (T)ng masama? (Selah)
Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
(U)Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman:
(V)Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
(W)Aking sinabi, Kayo'y mga dios,
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Gayon ma'y mangamamatay kayong (X)parang mga tao,
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
(Y)Sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.

Joel 2:12-19

Ang tawag sa pagaayuno at pananalangin.

12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, (A)magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na (B)may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:

13 At (C)papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; (D)sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.

14 Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, (E)at magsisisi, at magiiwan ng isang (F)pagpapala sa likuran niya, (G)ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?

15 (H)Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: (I)magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;

16 Tipunin ninyo ang bayan, (J)banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; (K)lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.

17 Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, (L)sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: (M)bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?

Ang Panginoon ay nagpakita ng habag at pagtulong.

18 Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.

19 At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at (N)alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa;

Apocalipsis 19:11-21

11 At nakita kong bukas ang (A)langit; at narito, ang isang (B)kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na (C)Tapat at (D)Totoo; (E)at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

12 At ang (F)kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, (G)at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y (H)may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

13 At siya'y nararamtan (I)ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na (J)Ang Verbo ng Dios.

14 At ang mga hukbong (K)nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang (L)linong maputi at dalisay.

15 At (M)sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at (N)kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan (O)niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, (P) Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.

17 At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, (Q)Halikayo at mangagkatipon (R)sa dakilang hapunan ng Dios;

18 Upang kayo'y (S)makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga (T)pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.

19 At nakita ko (U)ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon (V)upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.

20 At sinunggaban ang hayop, (W)at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda (X)sa harapan nito, na siyang (Y)ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito (Z)ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:

21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig (AA)niyaong nakasakay sa kabayo, at (AB)ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.

Lucas 15:1-10

15 Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat (A)ng mga maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa kaniya.

At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay (B)nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila.

At sinalita niya sa kanila ang talinghagang ito, na sinasabi,

Aling tao sa inyo, (C)na kung mayroong isang daang tupa, (D)at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at (E)hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan?

At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa.

At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang aking tupang nawala.

Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

O aling babae na may sangpung putol na pilak, na kung mawalan siya ng isang putol, ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan, at wawalisan ang bahay, at hahanaping masikap hanggang sa ito'y masumpungan niya?

At pagka nasumpungan niya, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang isang putol na nawala sa akin.

10 Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng (F)mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978