Book of Common Prayer
UNANG AKLAT
Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (A)upuan ng mga (B)manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (C)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya'y magiging (D)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (E)giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; Kundi (F)parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya't ang masama ay hindi (G)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka't nalalaman ng (H)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
2 Bakit ang mga bansa ay (I)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (J)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 (K)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay (L)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (M)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (N)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 (O)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (P)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (Q)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (R)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(S)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (T)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.
3 Panginoon, (U)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(V)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon (W)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (X)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (Y)niya ako mula sa (Z)kaniyang banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y (AA)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 (AB)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8 Pagliligtas ay ukol (AC)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (AD)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (AE)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(AF)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (AG)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(AH)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (AI)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (AJ)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.
7 Oh Panginoon kong Dios, (A)sa iyo nanganganlong ako.
(B)Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
(C)Na lurayin ito, habang walang magligtas.
3 Oh Panginoon kong Dios, (D)kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan (E)sa aking mga kamay;
4 Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, (F)aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
5 Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
6 Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
(G)Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At (H)gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
7 At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
8 Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
(I)Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
(J)Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios (K)ang mga pagiisip at ang mga puso.
10 Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11 Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang (L)ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 (M)Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
(N)At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 (O)Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.
Ang unang pagsasalita ni Eliphaz. Kaniyang pinatunayan ang katarungan ng Dios.
4 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
Ang makasalanan ay hindi matatag.
5 Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?
At sa kanino sa mga (A)banal babalik ka?
2 Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal,
At ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
3 (B)Aking nakita ang hangal na umuunlad:
Nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
4 (C)Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan,
At (D)sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan,
Na wala mang magligtas sa kanila.
5 Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom,
At kinukuha na mula sa mga tinik,
At ang silo ay nakabuka sa kanilang pagaari.
6 Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok,
Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
7 (E)Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan.
Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
8 Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios,
At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
9 Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita;
Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
10 (F)Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa,
At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
11 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas (G)yaong nangasa mababa;
At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
Ang kagalingan ng parusa.
17 Narito, (A)maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios:
Kaya't (B)huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
18 (C)Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal;
Siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
19 Kaniyang ililigtas ka sa (D)anim na kabagabagan.
Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
20 (E)Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan;
At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
21 Ikaw ay makukubli (F)sa talas ng dila;
Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
26 Ikaw ay (A)darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan.
Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga;
Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
19 At siya'y kumain at lumakas. (A)At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.
20 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.
21 At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, (B)Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay (C)naparito siya, upang sila'y (D)dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote.
22 Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
23 (E)At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin:
24 Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At (F)kanilang binantayan naman ang mga pintuang-daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin:
25 Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at (G)siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.
26 At (H)nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad,
27 Datapuwa't kinuha siya ni (I)Bernabe, at siya'y iniharap (J)sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus.
28 At siya'y kasamasama nila, na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem,
29 Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga (K)Greco-Judio; (L)datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.
30 At nang maalaman ito ng mga kapatid, ay inihatid nila siya sa (M)Cesarea, at siya'y sinugo nila (N)sa Tarso.
31 Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan (O)ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may (P)kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.
52 Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman?
53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.
54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.
55 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan (B)sa akin, at ako'y sa kaniya.
57 Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin.
58 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: (C)hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.
59 Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga, samantalang siya'y nagtuturo sa (D)Capernaum.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978